A/N
GOOD MORNING GUYS! :)) UD MUNA..:))
O GEH YUN LANG.! LOVE YOU ALL! :P
____________________________________________________________________________
CHAPTER 33
GENE'S POV
"Oy san ka pupunta!? nakapajama ka pa!" -takang tanong ni Kei
"hinahanap ko kasi si Cliff diko siya makita.."
Ewan ko ba kung namalikmata na naman ako, biglang sumimangot si Kei eh nung binanggit ko ang pangalan ni Cliff
"ahh.. ganun ba,,samahan na kita."
"mmm..okay sige."
Hay Cliff! asan ka na ba! Hindi mo talaga makikita ang isang tao kung ayaw niyang magpakita sayo!..
Antagal din naming naghanap ni Kei, kaso walang Cliff, so ayun naisipan na lang naming kumain sa daraanan namin, hindi ko kaya natapos breakfast ko kaya lulugo-lugo ako ngayon.
Pagdating namin dun sa isang food stall aba't may nakita ako!
si Cliff lang naman at kumakain siya nang burger! anak ng teteng..!
Dali-dali ko siyang pinuntahan, si Kei naman sunod lang
"Hoy! Lalaki!"
Napabuga si Cliff nang softdrinks niya, buti na lang hindi ako natamaan
"bakit ba!?"
"kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala!"
Tiningnan niya lang ako tapos tinuloy niya ang pagkain niya, grabe dedmahan?. Nakakapanibago yata samantalang pag ginugulo ko siya gumaganti siya. ano namang bagong palakad nito ngayon? aber!
"hoy! ano ba! sabi ko kanina pa kita hinahanap!"
Tinapik ko siya sa balikat niya tapos pinameywangan ko na din siya, bigla siyang tumayo saka hinampas ang table!
Oh no! ano na naman ang ginawa ko!
Si Kei bigla akong hinawakan sa kamay..
"ano bang problema mo! hindi pa ba sapat si Andrew sayo?! kaya pati ako at yang mokong sa likuran mo pinaglalaruan mo!"
Tinuro niya pa si Kei, ako naman.. natigilan, ganun ba ang tingin niya sa akin.?
"anong tingin mo sakin? manloloko! saka ano bang problema mo at nagagalit ka!"
Wala na akong pakeelam kahit magsigawan kami dun, dumadami na din ang taong nakikiusyoso.
BINABASA MO ANG
ANG ASTIG KONG GIRLFRIEND(completed)(EDITING)
Teen FictionImagine kung may dalawang lalaki na dumating sa buhay mo.. na sa tingin mo ay mga asungot, mukhang mga walang modo, suplado at nakaka irita! what if dahil sa katangian mo nainlove sila ng sabay sayo! anong gagawin mo? sino ang mas pipiliin mo si sou...