CHAPTER 36 part 2

8K 93 25
                                    

A/N

Sorry guys late update to, inedit ko kasi yung mga naunang chapters madaming typo eh.

maraming salamat talaga sa mga readers! kung wala kayo siguro na remove ko na tong story na to.

maraming maraming thank you!

KANSAHAMNIDA!! :P

DANKE! :P (GERMAN for Thank you hehe echusa lang ako )

___________________________________________________________________________

CHAPTER 36 part 2

GENE'S POV


Pagkauwi ko samin sinalubong na agad ako ng terorista kong yaya. Nakakaasar dumating na pala siya..tapos na ang maliligaya kong araw!

"Saan ka nagsuot ikaw na bata ka ha!"

Pagalit na tanong ni Yaya Mercidita. Alam ko parang ang bait nung name niya kaso ang totoo niyan, puno yun ng lagim.

"I bought my gift for kuya"

at pinakita ko naman yung paperbag.

"eh ano yan ha!"

Tinuro niya yung mga bigay sa akin ni Cliff kanina.

"ah eh wala, donation yan para sa school."

Yan ang mga palusot! haha.

Para dinako matanong pa dumiretso nako kay Kuya, mukhang excited na excited na yata siya umalis. Nakangiti eh habang nag eempake.

"Kuya, hindi mo ba ako mamimiss?"

Nilingon naman ako ni Kuya

"aysus, naglambing ang baby sister ko.." 

Tumayo siya saka niya ginulo yung buhok ko. Tss, oo na mas matangkad siya sa akin wala namang ganyanan!

Niyakap ko siya minsan na nga lang makapaglambing nang seryoso ako eh.

"Kuya, farewell gift ko o"

Inabot ko sa kanya yung nasa paper bag.

"saka mo na yan buksan pag nasa Korea kana."

"uhm, ok sige pasuspense kapa, baka bomba to at sumabog sa eroplano ha!"

"he-he patawa ka!"

Pinitik ni Kuya ang ilong ko. Mmm nakakamiss tagal na din naming di to nagagawa!

"hoy tama tama na nga iyang kadramahan nyo! may bisita kayo!"

sigaw ni Yaya Mercedita.

ANG ASTIG KONG GIRLFRIEND(completed)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon