CHAPTER 30: MOVING ON..

8.8K 100 14
                                    

a/n:

   wushu! tatlo exams ko today..! ala bahala na si Batman.. 

  nga pala pabasa naman nung isa kong story.. ahehe kung pwede lang naman..

"JEEPNEY LOVE STORY" please please..? ^______^

  oke thank you..!:)))

_______________________________________________________________________________chapter 30

GENE'S POV

 Saturday na..! amp! nakakatamad bumangon..! Last day na kasama ko si Kuya.. haayy, darating na din today ang terror naming katulong... how sad..T_T magiging miserable na naman ang buhay ko.. naalala ko na naman tuloy yung marraige arrangement namin ni Kei.. paano na yan..?

  Nagtakip na lang ako nang unan sa mukha, how i wish panaginip lang lahat nang to..! Na sana sa pagdilat ko back to normal na ulit ang buhay ko..! Tagal ko ding nakapikit nang may kumatok sa pinto, himala yata.. si Kuya marunong kumatok..?

>TOK! TOK!<

"Pasokk..!" -pasigaw ko pang sabi.

"good morning..!"

Huh? boses babae..? sino yun..? Napadilat naman ako, akala ko si Kuya eh. Pagbukas nang mata ko, nakita ko si Ate Pam, namamaga ang mata, mapula ang ilong at mukhang galing lang sa iyak... Agang-aga umiiyak?

Bumangon ako nang konti, sandal muna sa headboard.. kaso bigla na lang akong sinugod ni Ate Pam ng yakap!tapos bigla na lang siyang umiyak..? WTH!ano bang nangyayari,,? agang-aga ginugulantang ako! Di ba nila alam ang kasabihang magloko kana sa lasing wag lang sa bagong gising..?!

"Gene! i'm so happy!" -excited na excited na sabi niya.

Happy? eh umiiyak siya ah! Teka teka!iniharap ko si Ate Pam sa akin

"Happy? eh umiiyak ka nga eh.."

Natatawang umiiyak si Ate Pam.. hala! Rugby girl na din ito!

Umiling si Ate, hayy manghuhula na naman ba ako nang nangyayari o gugulantangin na naman ako! utang na loob! gulat na gulat na ako!

"ate, adik kaba? sabihin mo na kasi!"

"sasama,.na kasi ako kay Edward sa Korea! Kami na...!"-tuwang tuwa siya..tapos lumuluha.. Tears of joy kumbaga..!

"t-talaga..? congrats! sa wakas!" -niyakap ko si Ate Pam. Biruin niyo ha,antagal na nilang mag bestfriend! since childhood years pa namin sa Korea! Good news to..!

"ehem.. ehe..-ehem.."

Sabay kaming napalingon ni Ate sa may pinto, si Kuya kasi andun at kanina pa pala kami pinagmamasdan

"Gio.." -mahinang sabi ni Ate Pam

Yeah,, Gio ang tawag ni Ate Pam kay Kuya kasi daw Angelo.. kaya Gio, siya nga lang tumatawag nun kay Kuya eh.. ang sweet tuloy..hay.. ang swerte nang kuya ko..!

"Gene, hihiramin ko muna Ate Pam mo, may dapat pa kaming asikasuhin nito..!" -sabay higit niya kay Ate Pam, hanep makahigit ang kuya ko..! Napasunod na lang ako ng tingin..

Naalala ko nga pala pupunta akong mall, sino kayang isasama ko..? Bibili kasi ako ng farewell gift ko para kay Kuya..kung si Cliff kaya..? si Kei..? or si Dre na lang..?

ah.. mamaya na nga pag-isipan yan..!

Bumangon na ako saka ginawa ko na ang mga dapat gawin..pagkababa ko sa may living room namin nahagip nang mata ko si Dre nakaupo sa may couch namin..

ANG ASTIG KONG GIRLFRIEND(completed)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon