CHAPTER 35: Selos

8K 101 10
                                    

A/N

dahil 300+ votes na ang A.A.K.G magdiwang! haha sana makaabot pa nang madami haha.

dedicated to sa lahat nang silent readers ko na umappear na lang bigla haha.:P

dedicated to sa anak kong SISIW haha:)))

_____________________________________________________________________________

CLIFF'S POV


At dahil nga sa naka-receive ako nang text kay Zai, andito ako sa mall ngayon at pigil na pigil ko ang sarili ko sa paghambalos kay Andrew!

hawakan ba naman ang kamay ni Gene!

kainis! kaasar!

tapos hindi man lang tumutol si Gene! anong ibig sabihin nun!

"o bat biglang nanlisik yang mata mo?"

oo nga pala may kasama ako.

"wala sumakit lang."

anak ng! girlfriend ko pa din si Gene kahit bala-bala!

"gusto mo hipan ko?"-tanong ni Zai

"Ah wag na. ok lang to."

Umiwas ako kay Zai. Alam niyo may nahahalata na talaga ako sa kanya diko lang talaga ma-explain!

sumunod kami ni Zai kina Gene, syempre sila nasa unahan tapos tumigil kami sa may Comic Alley may bibilhin daw kasi si Gene.

"hey, ayos na ba kung ito?"

tanong ni Gene kay Andrew, hawak pa niya yung Batman figure na medyo malaki. Naalala ko tuloy si Tamahome.

"oo naman! basta ba ikaw ang pumili ok na yan!"-sagot naman ni Andrew habang pisil pisil yung pisngi ni Gene

OA na ah! ang PDA na! paksheet lang, inaasar yata talaga ako ni Andrew!

"hey nakikinig kaba sa akin?"

for the second time Cliff! may kasama nga pala ako.

"h-huh? anong sabi mo?"

"sabi na eh! dika nakikinig! amp!"

Napakamot ako sa batok ko, napatingin tuloy samin yung dalawa tapos bigla na lang ngumiti si Gene sa akin.

wait? nag-smile siya? bati na kami?

"ah, sorry naman Zai."

"amp! lagi naman! sa kanya ka na lang lagi nakatingin!"

Problema nitong si Zai? at nagmaktol pa! nagseselos ba siya?

Nagwalk-out si Zai aba wala akong kasalanan dyan!.tapos ang ikinagulat ko iniwan ni Dre si Gene tapos sinundan si Zai.wait ang gulo na ah!

"o tara samahan mo ko." 

diko namalayan nasa unahan ko na pala si Gene at hindi lang yan hawak hawak ako palapit dun sa counter.

"Gene.."

Lumingon siya.

"o bakit? kanina dimoko pinapansin ah!"

"h-huh?"

"absent minded ka na naman. hay naku."

Pinitik ni Gene ang ilong ko. Toinks namula naman ako dun.

Binayadan na ni Gene yung binili niya, nag-offer nga ako na ako na yung magbabayad kaso mahalaga daw na siya yung magbayad kasi may pagbibigyan siya..

mmm sino kaya?

baka ako?

weeh. assuming!

Lumabas na kami ng comic alley.Amm, kailangan kong mag-sorry!

"Gene!" -tawag ko sa kanya nauuna kasi siyang maglakad kesa sa akin. Lumingon siya tapos ngumiti.

"Gene! dito ka muna! hintayin moko dito wag kang aalis!"

Tumango si Gene. Ako naman tumakbo para bumili...

kailangan mapakita kong sincere ako sa pagsosorry!

>to be continued<

____________________________________________________________________________________

mamats talaga guys!

love ko kayo!

ANG ASTIG KONG GIRLFRIEND(completed)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon