Chapter 45: FOUNDATION WEEK PART 1

7.5K 77 16
                                    

A/N:

   ONLY FEW CHAPTERS LEFT!! pa-read ng special chapter ng AAKG ah!! super mahalaga yun para naman magka-idea kayo kung paano naging mabait si Iza at hindi na siya kontrabida.!!

this chapter is dedicated for you @DarkenSun thanks!

   thanks again!! 

----

GENE'S POV



Monday. - Start na ng pinakaabangan at pinakahihintay ng mga estudyante, ang mga topic ng mga tsismosa at tsismoso, ang mga tambay ng school at lalo na ang mga estudyanteng mahilig magcut ng klase at kasama na ako dun..

Foundation Week na meaning one week din na walang pasok. Excused lahat ng students at welcome lahat ng outsiders sa campus kaya petiks petiks lang.

Aish.! Ang sakit ng likod ko paano ba naman natulog ako sa couch e hindi naman ako sanay dun. Si Yaya kasi pahirap sa buhay ko, hindi lang naman ako umuwi nung Sabado ni-lock agad ang bedroom ko tapos umalis pa.. haay.. kelan pa ba ako masasanay?

" o what's with the face?"

Sabay kaming naglalakad ni Dre papunta sa booth na inorganized ng klase namin, shift na namin kaya kami na magtatake over.

"wala, wag mo nang usisain.!" 

"taray mo ngayon ah? meron kaba?" He chuckled.

Ngumiti ako ng sarcastic sa kanya, siraulo talaga tong bestfriend ko. Uupakan ko na ito eh! Pero nakakapagtaka ah hindi ko pa nakikita si Iza, well baka late lang. Ako naman ginagambala nito pag wala yung babaeng yun eh.

Malayo palang kita ko nang ang daming tao sa booth namin which is a Jail Booth, parang mabentang mabenta ang booth namin ah.! mukhang mapapagod ako kakaupo! haha akala niyo magsisipag ako no? wag na  lang!

Pagdating namin kaya pala madaming tao nandoon ang mga fans ni Kei at Cliff kasi nandoon sila parehas. Tapos nakaposas pa si Kei.

"anong meron?" tanong ko kay Danice, one of my classmates.

"ano kasi, isa sa mga convict si Kei eh kaso wala pa siyang partner." sagot niya.

Partner? Anong klaseng partner pa ang hanap nila? e nagkakandarapa na ang mga babae dito sa booth namin! They are drooling! Like WTH!? tulakan pa sila ha!

"anong tingin mo dyan?" nagsalita si Cliff sabay  tumingin dun sa mga babae. Pareha kami ng iniisip.

"tss, ayoko nga! Humanap ka ng matino!" reklamo ni Kei, pakinig pala niya.

Ang choosy naman nitong si Kei? e sino paba ang gusto niya?. haru!kaloka!

ANG ASTIG KONG GIRLFRIEND(completed)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon