Prologue

340 9 2
                                    


Alas tres ng madaling araw.

Pakiramdam ko'y bawat hakbang ko ay walang patutunguhan. Wala ng katao-tao, at imposibleng huminto ang iilang sasakyang dumadaan para pasakayin ako.

Pero kailangan kong pilitin. Kailangan kong tumakbo. Kailangan kong lumayo.

Hanggang sa may isang sasakyan ang gumilid.

"Calyn?"

Halos matumba na 'ko nang marinig ang boses niya. Hinang-hina na 'ko, kaya ko pa ba'ng tumakbo?

"Bumalik na tayo,"

Umiling ako. Ayoko. Hind na 'ko sasama sa kanya. Ayoko. Hindi na 'ko maniniwala pa sa kanya.

"You're a monster..." Sa sobrang takot at panghihina ko, hindi ko na alam kung nagawa ko pa ba'ng sabihin iyon.

"Hindi mo ba 'ko pwedeng mahalin na lang?"

Bakas ang pangungulila sa mga mata niya, pero hindi ko na kaya. Hindi totoo ang fairytale. Hindi totoong posibleng mahalin ng ordinaryong taong tulad ko ang isang halimaw. 


***


AN: Hello again to my lovely readers! Biglaan ko lang naisip itong kwento na 'to, so biglaan din ang pag-publish ko online. Sana kung gaano niyo sinuportahan ang 'Programmed Girlfriend' at 'The Psycho's Daughter', ganu'n niyo din suportahan ang third sequel.

YAY! Third na! Hahaha. Happy reading <3 

The Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now