Chapter 47

1.6K 23 0
                                    

Jenna's POV


Ang boring naman dito.Nasaan naba kasi yung mga babaeng yun?Hindi man lang tumawag.Naku pag talaga hindi pumasok yun,magpapadala ako ng pulis sa bahay nila.

"Hi."

"Oh,Ryan ba't ka nandito?Diba class hours ngayon?"

"Nabo-bored ako,eh!Ikaw ba't ka nandito?"

"Nagpapahangin lang,wala pa kasi teacher namin."

"Ahhh..Nabalitaan ko,wala na pala kayo ng boyfriend mo,sorry!"

"Oo.Pinagpalit niya ako sa ex niya.Ikakasal na nga sila,eh!"

"Masaya ka?Ba't ka nakangiti?Parang wala lang sayo ang mga nangyayari,eh!"

"Oo,masaya ako,hindi dahil wala na kami,kundi dahil mas pinili ko ang maging masaya.Ano siya,Diyos?Para iyakan ko?At isa pa,hindi pa naman siya patay,eh!"

"Hangang-hanga ako sayo.Ngayon lang ako nakakita ng babaeng malakas kagaya mo,yung iba kasi,halos tatapusin nalang ang buhay sa sobrang sakit."

"Salamat,ah."

"Walang anuman.Oh,inom ka muna."

Ewan ko lang,ah.Pero napapadalas na ang pagkikita namin ni Ryan,sinusundan niya ba ako?Masyado naman akong assuming.

Haaaayyyyy....Mas mabuti nang maging masaya kesa mag mukmok sa kwarto.Nakakapangit kaya yun.

RRRRRRRIIIIIINNNNNGGGGG RRRRRRRIIIIIINNNNGGG

Incoming call from Carol

"Hello,Carol."

"Bes,asan ka?"

"Nandito sa park,bakit?"

"Ahhh..Pumunta ka na dito."

"Nasa room na kayo?Ang tagal niyo,ah!"

"Oo.Sorry na!"

"Sige.Pupunta na ako diyan."binaba ko na ang tawag.

"Ryan,kailangan ko nang bumalik ng classroom,nandun na mga kaibigan ko,bye."

"Sige,ingat ka."

Buti naman at naisipan nilang pumasok,baka nagpadala na ako ng mga pulis dun sakanila.

*****

Ethan's POV


"Pare,tulungan niyo naman ako.Kailangan kong bawiin si Jenna sa lalaking yun."pagmamakaawa ko.

"Wala ngang boyfriend yun.Di naman yun ganun,eh."sabi ni Kevin.

"Meron nga kasi.Sabi ni Shane,aalis na daw sila kasi naghihintay na si Jenna at ang baby niya."

"Wala nga,inaasar ka lang nun kasi nakipag-break ka sa bespren niya."

"Tulungan niyo nalang ako na wag ikasal kay Vivian."

"Naku!Mahirap yan,bunso."sabi ni Christian.

"Tulungan niyo nga kasi ako para di mahirap."

"Ok."sabi nila.

Pano ba?Siguro,mag wo-walkout ako,masyadong common.Di kaya magpapautos ako na may magsabi ng tutol siya sa kasal,kaso wala akong pera.Patulong naman!

"Ganito nalang,kung sino yung makapagbigay sakin ng dapat kung gawin para matigil ang kasal,ililibre ko.Kahit ano."sabi ko.

"Sige ba."sabi nila.

Libre lang pala kailangan.


BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDWhere stories live. Discover now