Chapter 29

2.4K 41 0
                                    

Jenna's POV


Ganito ba ang feeling ng nililigawan?Yung pag nakikita mo siya,kikiligin ka na ewan.First time ko kasi eh.

"Jenna tapos ka na?"tanong ni Ethan.

"Oo.Tara na."

Naglalakad na kami ngayon papunta sa room,kase ihahatid niya ako ulit,ang mga babae dito kung maka tingin eh pinapatay na ako.

Nandito na kami sa harap ng room.

"Makinig ka,sabay tayong uuwi,pupuntahan kita dito wag kang lumabas ng mag-isa at kapag may umaway sayo tawagan mo ako,ok?"

"Ok."

"Bye na."sabi niya at hinalikan ako sa cheeks..

O_O..my virgin cheeks!

Pumasok na ako sa room,bigla namang sumulpot sa harap ko si Mikylla.

"MYGHAD!Nakita ko yun,ah!Seryoso talaga yang si Ethan sayo bes!"

"Tumahimik ka nga."

"Kinikilig.Ok lang noh,besty naman tayo."

"Umayos ka na andyan na si Ma'am."

Pumasok na si Ma'am,may kasama siyang dalawang babae,mga transferee yata.

"Good Morning class,may bago kayong mga classmates from Christian High School.Girls pasok na."sabi ni Ma'am.

"Hi I'm Caroline Faith Mendez,you can call me Carol for short,nice meeting you all."introduce nung babae.

"Hi I'm Andrea Shane Lim,you can call me Shane,nice meeting you all."

"Umm..Girls upo na kayo dun sa inuupuan nina Ms.Reyes and Ms.Sanchez."sabi ni Ma'am.

May bago na kaming friends,sana lang hindi sila mandiri sakin.

"Hi I'm Mikylla Jane Sanchez,and this is my best friend Jenna Marie Estrella."sabi ni Mikylla dun sa bago naming kakilala.

"Hello.Ang ganda niyo pareho,bagay tayong mag bestfriends."sabi ni Carol.

"Oo nga.Ok lang naman diba?"sabi naman ni Shane.

"Oo naman."sabi ni Mikylla.

"Bakit hindi siya nagsasalita?Ayaw ba niyang maki-pagkaibigan?"tanong ni Shane.

"Ok naman sakanya,mahiyain kasi siya."sagot ni Mikylla."Bes magsalita ka naman.Nakakahiya sa kanila."

"Sorry,nahihiya kasi ako.Baka pandirian niyo ako,nerd ako,eh!"sabi ko.

"Wag ka ngang mahiya,porket ba nerd ka mandidiri na kami sayo?Maarte kami pero hindi sa gaya mo.Tsaka maganda ka naman,eh pag tinanggal yang glasses mo."sabi ni Carol.

"Oo nga bes."

"Alam mo,sumama ka samin mamaya after class."sabi ni Shane.

"Huh?Bakit?"

"Basta,makinig na tayo."

*****

Ethan's POV


Ewan ko kung bakit ko ginawa yun.Natulala tuloy siya,tumalikod nalang ako para di niya makita ang namumula kong mukha.Oh God!

"Bunso ok ka lang?Ba't ng pula ng mukha mo?May lagnat ka ba?"sabi ni Andrew sabay hawak sa noo at leeg ko."Wala naman,eh!Anong problema mo?"

"Wala naman talaga akong lagnat eh."

"Bakit nga namumula ang mukha mo?"

"Kasi..bigla ko nalang hinalikan si Jenna sa cheeks."

"Yan lang naman pala,eh!Parang hindi mo ginawa yan dati,mas matindi pa nga yun eh,kay Jenna cheeks lang."

"Sira ka ba?Tsaka bakit mo sinasali sa usapan si Vivian?"

"May sinabi ba akong pangalan?"

"Ewan ko sayo."

Sinasali ba daw si Vivian sa usapan.Si Vivian ay ang aking ex girlfriend,naghiwalay kami dahil pinagpalit niya ako sa isang lalake na puno ng tigyawat yung mukha.

Flashback

Papunta ako ngayon sa room ni Vivian,susunduin ko kase siya at sabay kaming uuwi.

Nitong mga nakaraang araw may naririnig akong usapan na may ibang nobyo si Vivian,ayoko namang maniwala kasi wala naman akong ibidensya.Ang sabi nila ginagamit lang daw ako ni Vivian para sumikat siya sa school,pero parang hindi naman.

Habang naglalakad ako may narinig akong pamilyar na boses na may kausap,parang si Vivian.Wala masyadong tao dito sa parte na school nato.

"Babe,gustong gusto na kitang solohin,makipag break ka nalang sa kanya."sabi nung lalake.

"Babe,hindi pa ako nakakahanap ng tamang tiyempo,bigyan mo pa kasi ako ng oras."

Si...si..Vivian.

"Walang hiya kang babae ka,manloloko ka.Yan bang gusto niya?Ang solohin ka?Pwes sa oras at araw na ito,siya na ang nagmamay-ari sayo."sabi ko at umalis nang bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Ethan,I'm sorry di ko sinasadya.Please,nagmamakaawa ako sayo wag mo akong iwan."

"Vivian,di ako tanga para sa isang sorry at pagmamakaawa mo lang babalikan kita."

Umalis na ako at nag-drive.Manloloko,two-timer,ka babaeng tao.

Pagdating ko sa dorm,humiga ako.

"Bunso may problema ba?"tanong ni Christian.

"Wala naman."

"Alam kong meron,sabihin mo na."

"Si Vivian kase,totoo pala yung balita na ginagamit niya lang ako.Hindi ba sapat yung pagmamahal ko?May nagawa ba akong mali?Wala naman diba?"sabi ko,with a cracking voice.

"Bunso wala kang mali,siya ang may mali dahil hindi ka pa sapat sakanya.Hayaan mo na,marami pa namang babae jan na mas deserve mag alaga ng puso mo."

Napakabait talaga ng mga kuya ko.

End of flashback

Siya ang dahilan kong bakit ako naging badboy,at naging cold ang puso ko.

Si Jenna naman ang dahilan kung bakit naging good boy ako at lumambot ang puso ko.

"Ok so yun ang assignment niyo.Pass niyo yan tomorrow.Bye class."sabi ni Ma'am.

"Goodbye Ma'am Andres."

Ano ba yan,sa kakaisip ng past di na ako naka kopya ng assignment.

"Mga kuya ano yung assignment?"tanong ko.

"Di ka nakinig?"tanong ni Aldrich.

"Hindi eh!"

"Mamaya na."

_______

Hi guys!May dinagdag akong casts.

Thank you for reading and for voting.

BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDWhere stories live. Discover now