Chapter 20

2.9K 70 1
                                    

Ethan's POV


Nandito kami ngayon ni Jenna sa EK...Ewan ko kung bakit kami nakalabas ng campus,kase hindi pwedeng lumabas pag class hours.

"Jenna anong unang ride ang susubukan natin?"tanong ko.

"Ummm...Space Shutte nalang."sagot niya.

"Sige."

Pumila na kami,hindi masyadong mahaba yung pila kase wala pa masyadong tao.

Sumakay na kami.

"Whooh...Nag-enjoy ako dun sobra."sabi niya.

"Oo nga.Anong sunod."sabi ko.

"Rio Grande tayo."sabi niya,tumango lang ako.

After mga tatlong rides kumain muna kami.

"Kain tayo."sabi ko.

"Sige."

"Anong gusto mong kainin?"

"Kung gusto mo kwek kwek nalang."

"Sige,andun oh!"

Kumain na kami,hindi ko mapigilang hindi makatingin sa kanya,ang ganda niya talaga kahit kumakain.

"May sauce ba sa mukha ko?"tanong niya.

Sh*t nahuli ako.

"Wala naman.Bakit?"

"Mga tingin mo,eh!"sabi niya na ikinatawa ko.

"Oh bakit ka natatawa?"tanong niya.

"Wala.Ang cute mo lang."

Bigla siyang yumuko,nahiya ata.

"Kain ka nalang."sabi ko.

****************

Jenna's POV


Habang kumakain kami ng kwek kwek,nakikita ko sa peripheral vision ko na tingin siya ng tingin.

Myghad may sauce ba s mukha ko?

"May sauce ba sa mukha ko?"tanong ko.

"Wala naman.Bakit?"

"Mga tingin mo,eh!"

Tumawa siya.

"Oh bakit ka natatawa?"

"Wala.Ang cute mo lang."sabi niya.

Feel ko namumula na tong mukha ko,yumuko nalang ako.

"Kain ka nalang."

Bakit ba ako nagkakaganto?Mahal na nga kita.Susmaryosep!

Tapos na kaming kumain.

"Babalik ka ba ng school?"tanong niya.

"Uuwi nalang muna ako."sagot ko.

"Tara hatid na kita."

"Wag nalang muna.Mag co-commute nalang ako."

"Sure ka?"

"Oo.Mauna ka nalang baka,mabagsak ka nyan."

"Ok.Bye."sabi niya at pumasok na sa kotse niya.

Tatawagan ko nalang si manong driver.


Pagkatapos nang mahabang biyahe,naka uwi narin.

"Oh nak!Ang aga mo naman."tanong ni mama.

"Wala pong teacher ma,eh!"sabi ko kay mama.

"Talaga?Nagsisinungaling ka na naman.Sige na,sabihin mo na sakin.Handa akong makinig."

Lakas talaga ng amoy ni mama.

Wala na akong nagawa at sinabi ko na sakanya ang lahat.Kinilig pa siya nung sinabi kong pinagtanggol ako ni Ethan,parang teenager lang,eh.

"Alam mo nak,yang mga taong yan walang matinong magawa sa buhay,kaya pati buhay ng iba pinakikialaman.Hayaan mo na sila,babaliktad din ang mundo."sabi ni mama.

"Ma,may tanong lang sana ako."sabi ko kay mama.

"Ano yun?"

"Ma,pano mo malalaman kung mahal mo na yung isang tao?"

Napataas ang isang kilay ni mama.

"Bakit?Inlove na ba ang baby ko?"

"Ewan ko ma,sagutin mo na ang tanong ko para malaman ko na."

"Ok.Ganito yan nak,bumibilis ang takbo ng puso mo pag papalapit siya o pagmakikita mo siya,at namumula ka pag sinabihan ka niyang maganda,cute o ano pa.Marami pang signs anak,ilan lang yan sa mga alam ko."

OMG...Totoo nga!

"Ano anak?Parang may multo kang nakita,ah!"sabi ni mama.

"Totoo nga ma."sabi ko kay mama.

"Totoong ano?"

"Na..mahal ko na siya."

"Sino anak?Yun bang lalaking naghatid sayo dito?"

Tumango lang ako.

"YIIIIIIEEEEE...Inlove na ang baby ko."

"Mama naman,eh!Marinig ka ng kapitbahay."

"Sorry!Sobrang happy ko lang."

"Bihis na ako ma."

Tumango lang si mama.

Haaaayyyyy.....Ethan naman kase,ang sweet mo masyado,eh!Mahal na tuloy kita!

______________________________

Thank you for reading guys.

Thank you din sa mga nag vote at sa mga nilagay sa reading list ang story ko.

Hehe..Sisipagin akong mag update nito.

Thank you guys!

BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDWhere stories live. Discover now