Chapter 53

1.6K 31 2
                                    

Ryan's POV


Iniiwasan ata ako ni Jenna.Sana talaga hindi ko nalang inamin sakanya.

"Pare,ano ba yang iniisip mo?Hindi umiiwas yun noh."

"Umiiwas nga.Kanina kasi,pagkatapos kung umamin,dali-dali siyang tumayo at sabi niya aalis na daw siya kasi magsisimula na ang next class nila,pero wala pa namang bell at nung sinabi ko na ihahatid ko siya,sabi niya wag na at tumakbo.Ano tawag mo dun?"

"Baka nga.Makinig ka nalang muna kay Ma'am,mas nakakabuti yun."

Sira ba siya?Pano ako makakapag-concentrate sa sitwasyon na ito?

Tama.Aral muna!

*****

Jenna's POV


Tama ba yung narinig ko?Tingin ng tingin sakin?Bwiset to,eh.

"Bes,wala kang plano umuwi?"tanong ni Mikylla.

"Ito na nga,tatayo na."

RRRRRIIIIINNNGGGG RRRRRIIIIINNNGGG

"Hello?"

"Jenna,lika bilis nandito ako sa parking lot."

"Bakit?"

"Ihahatid kita sa bahay kaso di umaandar yung makina,kailangan ko pang itulak,pero walang hahawak sa manebela,kailangan kita,bilis."

"Oo,eto na."

"Mauna na ako sa inyo,ah!"

Dali-dali akong pumunta ng parking lot.

"Kuya."

"Jenna,lika dito bilis."

"Anong gagawin ko?"

"Pumasok ka sa loob,hawakan mo ang manebela.Marunong kang magmaneho diba?"

"Oo."

"Itutulak ko ito,tapos pag-umandar na,lumipat ka sa passenger's seat,ok?"

"Opo."

Pumasok na ako sa loob at umupo sa driver's seat.Itinulak ni kuya yung kotse,di nagtagal ay umandar na ito.Lumipat na ako sa passenger's seat.

"Hi."

"Hoy!"

"Miss mo ko noh?"

"Kapal ng mukha mo!Ba't ka andito?Si kuya jan,eh!"

"Pasyal muna tayo.Yung kuya mo na ang bahalang mag-explain sayo."

"Hindi.Lalabas ako."

"Pag lumabas ka jan,mahuhulog ka!Sige ka!"

Wala na akong nagawa dahil pinaandar na niya ito.Humanda yung lalakeng yun sakin pag-uwi ko.

Pumunta kami ng mall.Una kaming kumain,para daw lumubo tiyan ko.Sobrang funny niya talaga!Sa sobrang funny na,wala nang tumawa.

"Umupo ka na,My lady!O-order lang ako.Huwag ka nang magtangkang umalis,dahil may sasalubong sayo na guard sa labas."

"My lady mo mukha mo!"

"Hehehe.."

Pumunta na siya para bumili ng pagkain.Ang landi nilang dalawa,lalo na yung babae.Bwiset!

"Oh!Ba't ganyan ka makatingin?"

"Ang landi niyo kasi."

"Nagseselos ka ba?"

BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin