Chapter 38

1.9K 38 0
                                    

Jenna's POV


Nandito na kami sa loob ng sasakyan,kanina pa to naka ngisi si Mikylla.Parang kinikilig na ewan.

"Bes,ok ka lang?"tanong ko.

"Oo naman."

"Para kang sira."

"Ako?Di,ah!"

Baliw nga!Haaayyy..Ano na?May ibibigay pa naman akong regalo.Baka hindi ako pansinin nun!Past 7 narin,eh!

Nandito na kami sa isang park,akala ko ba may party.

"Bes anong ginagawa natin dito?"tanong ko.

"Sandali lang bhe!Tumatawag si mama.Sagutin ko lang."at iniwan akong mag-isa.

Hindi naman nakakatakot yung park kasi may street lights.Mama,baka may manyak dito,Diyos ko po wag naman sana!

Biglang na off ang mga ilaw.Yan na sinasabi ko,eh!

"Bes?Bes,nan ti-trip ka ba?Bes di na maganda to!"sabi ko."Mikylla naman!Pag nakita kita papakain talaga kita sa buwaya!Hoy!Mama tulong!"

Biglang umilaw ang mga puno sa paligid ko.Sa tapat ng gate na maliit,may sign na nakalagay:Get Inside.Binuksan ko yung gate,pagpasok ko may petals ng roses na inilagay sa sahig.MYGHAD!Ano to?

Sinundan ko yung mga roses,hanggang makarating ako sa dulo ng roses.Ba't madilim?Maya maya lang,biglang umilaw sa likod ko kaya lumingon ako,at nakita ang pinaka gwapong lalake sa mundo ko.Si Ethan.May hawak siyang mic.

"Para sa aking pinakamamahal na babae,alam kong hindi ako perpekto,may bad side ako,pero tinanggap mo parin ako,salamat ng marami.Hindi man ako kasing gwapo ni Daniel Padilla,sisiguraduhin ko namang walang makakapantay sa pagmamahal ko sayo.Nung una palang,iba na ang dating mo sakin,kahit na tinagurian kang nerd o bookworm ng buong campus,hindi ako sumali dahil alam kong ikaw ang bubuhay sa puso kong matagal ng namayapa.Pasensya na kung medyo corny ang lines ko,wala akong maisip,eh!Hanggang dito nalang ang mensahe ko.Mahal na mahal kita Jenna Marie Estrella."

Pumatak ang mga luha sa mata ko,hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon,kinikilig na masaya na ewan.Nilapitan niya ako,at niyakap.

"Ang bongga naman."sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"Ok lang ba?Hindi mo ba nagustuhan?"

"Ok lang noh!Sobra pa nga,eh!"

"Lahat gagawin ko para sayo."

"Sinong tumulong sayo?"tinuro niya ang likuran ko at nakita ko ang mga kaibigan namin.

Sabi na nga ba,eh!

"Kaya pala di nila ako pinapansin.May pakulo ka pala."napatawa nalang siya.

"Upo na tayo.Walang gamot ng varicose."sabi niya.

Hinila na niya ang upuan at pina upo ako.Ang swerte ko talaga sa lalaking to!



Tapos na kaming kumain,ibibigay ko na ang regalo ko.

"Ethan,may regalo pala ako.Hindi ito mamahalin pero galing naman to sa puso ko,wag mong pagtawanan,ah!"sabi ko.

"Oo naman.Ba't ko pagtatawan.Akin na."

Ini-abot ko na sakanya yung paper bag.Ginawa kong personalized yung gift.Unan siya nilagyan ko ng picture namin,tas name niya at name ko na may heart!Printed siyempre yung pictures.

"Wow!Sobrang ganda naman nito.Thank you,nag abala ka pa."

"Alangan naman wala akong gift sayo,1st anniversary natin noh."

BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon