Chapter 31

2.1K 38 0
                                    

Jenna's POV


"Ok ladies and gentleman umupo na tayo dahil bibili lang ng pagkain si Ethan."sabi Christian.Nagulat naman si Ethan,loko-loko talaga to si Christian.

"Huy,bakit ako?"tanong ni Ethan.

"Dahil nandito ang baby mo!Ano kaba pare,kahit foods lang eh,ang damot mo talaga."

"Sige na nga!"

"YES!Salamat bunso!"sabi ni Christian,natawa nalang kami.

"Alam niyo guys,kanina pa to tahimik si Kevin,parang....nahihiya siya sa mga kaibigan mo Jenna."sabi ni Christian.

"Huy,di noh!"pagtanggi ni Kevin.

"Talaga?Eh ba't ang tahimik mo?"

"Oo nga!"sabi ni Andrew.

"Tumahimik nga kayo!"nakasimangot na sabi ni Kevin.

Tumahimik na sila,may binulong naman sakin si Shane.

"Bes,ang awkward."

"Huh?Bakit?"

"Tingin ng tingin si Kevin sakin,may dumi ba ako sa mukha?"

Natawa ako.

"Wala naman.Crush ka lang niya."

"WHAT!?"napalakas ang bulong niya,kaya tumingin sila samin.

"Anong pinag-uusapan niyo?"tanong ni Liam.

"Wala may tinatanong lang si Shane."tumango lang sila.

Maya-maya pa,dumating na si Ethan dala ang pagkain na binili niya.

"Oh,ito sa inyo."sabi niya at inilapag sa mesa ang pagkain.Pagtingin ko,puro junkfoods lahat,tinaasan ko siya ng kilay."Alam ko namang ayaw mo ng mga pagkaing ganyan,eh!Kaya may binili ako sayong special."sabi niya at inabot sakin ang box na may lamang cupcake.Ngumiti na lang ako,and mouthed 'thank you'.

"Ang daming langgam.Mag si tigil nga kayo"sabi ni Mikylla.

"Ang bitter nito."bulong ni Aldrich.

"Anong sabi mo!?"galit na sabi ni Mikylla.Mag-aaway na naman to.

"Ano ba.Tumigil na nga kayo,magka-developan ulit kayo niyan."sabi ni kuya Gerald.

"HINDI NOH!ASA!!"sabay nilang sabi,at nagkatinginan.

"YIIIEEEE...."kaming lahat.

"Kumain na nga kayo."sabi ni Aldrich.

"Kayo na ang next couple dito sa group guys!FIGHTING!"sabi ni Christian.Natawa nalang kami,except kina Mikylla at Aldrich.

*****

Ethan's POV

Ang suwerte ko talaga kay Jenna,bukod sa maganda mabait pa!Sana ganito kami habang buhay.

RRRRIIIINNNNGGG RRRIIIINNNGGG

Si papa lang pala.

"Sino yan?"tanong ni Jenna.

"Ah si papa,sagutin ko lang,ah!I'll be back."sabi ko at tumango lang siya.


"Hello pa."sabi ko sa kabilang linya.

"Son,after your class,go straight home ok?We have something important to talk to."

"Pero pa,ihahatid ko ba ang girlfriend ko."

"May paa naman siya diba?Pabayaan mo na siya,malaki na siya."

"But pa--"

"No buts Ethan.Follow me or your girlfriend's life will be in danger."

"Ok."sabi ko at binaba ang tawag.Nakakabuwiset na matandang yun.

Bumalik na ako sa table.

"Oh,ba't ka nakasimangot?May problema ba?"tanong ni Jenna.

"Wala naman.Tara balik na tayo."sabi ko,tumayo na kami at umalis.

Inihatid ko na siya sa room niya.

"Baby,hindi muna kita ma-ihahatid pauwi ngayon,ah!Uuwi kasi ako agad,may pag-uusapan daw kami ni papa.Sorry talaga."sabi ko.

"Ok lang noh,wag ka ngang mag-sorry.Sige pasok na ako,pumasok ka na rin."sabi niya at hinalikan ako sa cheeks,saka pumasok sa room niya.Bumalik na rin ako sa room.


Ano ba kasi ang pag-uusapan namin,at kailangan pa talagang umuwi ako agad!Kakainis.

****

Jenna's POV


Bakit kaya nakasimangot yun kanina?May problema ba sila ng papa niya?

"Ms.Estrella are you listening?"tanong ni Ma'am.

"Yes Ma'am."

"You look bothered.Is there any problem?"

"No Ma'am."sabi ko at tumango naman si Ma'am.

"Bes ok ka lang?Kanina ka pa hindi mapakali,eh!"tanong ni Carol.

"Ok lang."

Lecture

Lecture

Lecture

Dismissal!

"Bes yung usapan pala natin.Tara."sabi ni Shane.

"Sige tara."

Pupunta pala kami ng mall ngayon,ewan ko ba sa mga babaaeng ito,gala ng gala.

"Dito tayo."sabi ni Shane,pumasok na kami sa isang salon.

"Anong gagawin natin dito?Papaganda kayo?"tanong ko.

"IKAW!"sabay sabay nilang sabi.

"Ann,pagandahin mo itong bestfriend ko."sabi ni Shane dun sa babae.

"Opo Ma'am.This way po."sabi nung babae.

"Jenna,babalikan ka namin,ah!May bibilhin lang kami saglit.

****

Shane's POV


Hello everyone!I'm Andrea Shane Lim,you can call me Shane.Tama na yan,cause it's my time to shine.Papapagandahin ko si Jenna ngayon,hindi naman sa pangit siya,hindi ko lang talaga bet ang ayos niya,natatabunan ng kanyang nerdy glasses ang kanyang kagandahan,eh!

"Beh ito,oh!Bagay to sakanya,pink."sabi ni Mikylla.

"Wag ang pangit,masyadong pambata,ito nalang black."sabi naman ni Carol.

"Ang papangit ng taste niyo sa fashion.Black?Seriously?San niyo siya balak papuntahin?Sa lamay?Itong red dress,oh!Tsaka mas makikita yung bewang niya.Isama niyo na din tong heels."sabi ko sakanila.

"Pera mo."sabi ni Carol.

"Ambagan tayo dito,wag kayong madamot sa pera niyo,parang may pinag-iiponan kayo,eh!"sabi ko.

"Ok.2k sakin."sabi ni Mikylla.

"3k sakin."sabi ni Carol.

"1k sakin,bayad na kayo."sabi ko.

"Teka,bakit yan lang i-aambag mo?"tanong ni Mikylla.

"Ang dami dami niyong sinasabi,magbayad na nga kayo."sabi ko.

___________

Ito na ang update guys.Nakalimutan ko na mag-mo-mall pala silang mag bestie,kaya dito ko nalang nilagay.Sorry!Makakalimutin lang.

Thank you for reading,voting and following guys!

Love you all!

BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDWhere stories live. Discover now