CHAPTER 14: Mahal nga ba kita?

107 3 0
                                    

"Kathryn!"

Ang sarap sa tenga na tinatawag ako sa pangalan ko, parang anghel.

Binuksan ko mga mata ko at nakahiga ako sa sa may balikat ng isang lalaki. Ang bango niya at ramdam ko yung pagmamahal niya na dati ko pang gustong maramdaman ulit.

"Gising kana Kath? Kamusta tulog mo?" Tanong niya.

Tumungo lang ako at pinikit ulit mga mata ko. Sana laging ganito na lang para walang gulo at malayo sa mga kaguluhan.

"Naalala mo pa ba?" Dagdag niyang tanong.

Tinignan ko siya at laking gulat ko na si Daniel yung kasama ko.

"A-ang a-lin?" Tanong ko.

Ngumiti siya at hinalikan niya ang labi ko.

Ang gaan at nakapa payapa ng moment namin pero pinutol ko ang halikan namin.

"Anong poblema?" Tanong niya.

Yumuko ako at hinawakan niya yung kamay ko at pilit niya akong pinapatango.

"Sorry Kathryn for hurting you with my decision. I know na nasaktan ka sa mga nakita mo at alam ko din na hindi mo ako mapapatawad sa lahat ng mga ginawa ko. Kathryn minahal kita ng tunay na walang halong biro sana sa huling pagkakataon maging okay tayo at bumalik sa dati at sana hayaan mo ako gumawa ng paraan para maging ayos tayo ulit. Mahal kita." Sabi niya.

Tama ba mga narinig ko? Hindi ba 'to biro? Minahal mo ako?

Tumulo mga luha ko at niyakap ko siya agad. Walang mga salitang lumalabas sa bibig ko kung hindi puro higbi lang.

Bakit kailangan mo mamili sa amin? Pwede namang ako na lang diba?

"Wag ka nang iiyak, kapag nakita mo ako kahit saan, please lang wag mo na akong pansinin mas gugustuhin ko pang makita kang masaya kaysa sa na makita kang nalulungkot."

Bakit niya sinasabi ang mga yun? Mas sinasaktan niya ako sa mga sinasabi niya, ayaw ko siya mawala sa akin.

"Magpapanggap na lang ako na hindi kita nakilala kahit kailan." Sagot ko.

Hinarap niya ako sa kanya at hinalikan ang noo ko. Napaka lambing naman sana ganito na lang kami.

"Salamat." Sagot niya.

Tumayo sa pagkakaupo namin at bilang dumating si Athena at hinawakan niya ang kamay nito.

Harap harapan ko nanaman? Ngumiti siya sa akin na may halong lungkot at luha naman ang sinagot ko sa kanya.

*********

Bakit may umiiyak? Bakit may tunog ng machines? Ano 'tong nararamdam ko? Masakit buong katawan ko at may naka tusok sa akin?

Dinilat ko mga mata ko, bakit ako andito? Anong meroon?

"Gising kana Kathryn. Kamusta kana?" Boses lalaki?

Tinignan ko siya sa gilid ko, si Frack.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na medyo galit.

"Pasensya kana." Sabi niya.

Pinalabas ko siya sa sobrang galit ko at hindi dahil sa kanya at Athena hindi mangyayari ang ganito sa buhay ko.

"Kathryn..." Bago pa lang ulit niya matapos ang sasabihin niya biglang pumasok sila Kylie, Michaela, Lexie at Sofia.

Mukhang narinig nila yung pagsigaw ko kanina at tinitignan lang nila kami ni Frack.

"Umalis kana." Dagdag ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Finds A Way (On going)Where stories live. Discover now