Chapter2: Timing

150 5 0
                                    

*****Kathryn's POV*****

Hawak hawak ko ang cellphone ko buong araw nasanay kase ako na laging nagtetext si Daniel pero ngayon wala na kami kaya walang paramdam.

Kamusta na kaya yun?

"Kath!"

Ang boses na rinig hanggang kabilang school building.

Nakita ko sila Kylie at Michaela na papalapit sa akin kaya tinago ko muna cellphone ko para naman hindi magsabi ng ano ano.

"Wala kang class?" Tanong ni Kylie.

Kahit meroon wala akong balak pumasok kase lilipad lang utak ko doon. "Wala." Sagot ko.

Naglabas ng mga chitchirya si Michaela galing sa bag niya at nagsalita nanaman ng kung ano ano lalo't na sa crush niyang si Seth Gothico ng Parking 5.

Sino pa naman hindi magkakagusto sa lalaking matalino, matangkad tapos may sense of humor pa.

"Kath, tulaley ang peg?"

Halos mapatalon ako sa sinabi ni Kylie.

Asaan ba ako?

Bakit wala nanaman ako sa mundong kinagagawalan ko?

"Ikaw kase nakipagbreak ka pa tas maling rason pa."

Sabi ni Michaela.

Hindi ko naman gagawin yun kung walang rason ayaw ko lang mapahamak si Daniel dahil sa relasyon namin.

Walang nakakaalam ng totoong rason kung bakit ako nakipagbreak sa kanya maliban sa mas pinili ko ang mga kaibigan ko kaysa sa kanya.

"Break pa dahil hindi ma-manage ang oras. Naku girl palusot mo buluk na." Dagdag pa ni Kylie.

Natawa na lang ako kahit alam ko nasasaktan ako at pati sila nagawaan ko pagsinungalingan sa rason kung bakit ako nakipaghiwalay kay Daniel.

Nagvibrate yung cellphone ko at agad agad ko naman kinuha at nagbabakasakale.

From: Philosophy Prof.
"Kindly tell your batch mates that I won't be able to attend your class. Ikaw secretay ms. Kathryn do your obligation."

Kapag minamalas ka nga naman hawak pa naman niya section ng Parking 5.

Paano na Kath? Mamaya andoon siya.

"Ano pang inaarte mo dyan? Halika't pumunta na tayo baka andoon si Seth."

Sabi ni Michaela. Patay kasama ko pa ang dalawa, masama kutob ko.

****
Nakarating na kami sa room 301 kung asaan ang class nila. Pagsilip ko pa lang sa may bintana, nakita ko na agad sila.

Mukhang may pinag uusapan maliban kay Daniel naka upo lang at nakafocus sa notes niya.

"Hello guys!"

Lakas talaga ng loob nitong si Michaela kahit kelan.

Binati kami ng gang at ganoon pa rin ang turingan namin.

"Looking for someone ms. Kathryn?" Tanong ni Katsumi.

Tinulak ako ni Kylie habang tumatawa pero nagpapansin din kay Lester.

Langit lupa kunin niyo na ako, nahihiya na ako dito.

"Ano kase, wala daw yung prof natin sa Philosopy ngayon."

Sabi ko saka ako tumalikod at naglakad papaalis.

Rinig na rinig ko yung hiyawan nila kase yun lang class nila ngayong araw. Swerte nila sobra.

Love Finds A Way (On going)Where stories live. Discover now