Chapter 13: Decision

92 5 0
                                    

Warehouse at 8pm, mapapasubo ata ako nito pero andoon si Kathryn hindi pwedeng hayaan ko siya.

Dumaretso ako sa music room at nagpapanic.

Tanghali pa lang pero gusto ko nang makita si Kathryn kung okay lang siya o kung napaano na siya.

Mababaliw na talaga ako sa mga nangyayari, ano ba kase pumasok sa utak ng mga journalist ng univeristy.

"Ehem, mind to share?" Tanong ni Lester.

Oo nga pala, nakalimutan ko na andito pala sila.

"Ano kase pre, wala muna magrereact sa sabihin ko ah. SI KATHRYN NA-KIDNAP!"

Tinignan ko sila isa isa at hanep walang reaction kaya pumalakpak ako.

"HOY!" Sigaw ko.

Sabay sabay nila nagreact at hindi ko maintindihan, natatatranta sila kaysa sa akin.

"Kumalma kayo!" Sabi ko.

Buti naman nakukuha sila sa isang salita lang.

"Tara na! Maghanda na tayo!" Sabi ni JC.

Ang kapatid kung palaban kaya laging na-guguidance.

"Tara na ano pang hihintayin natin?" Yan nanaman si Lester.

Kumuha ng pamukpok na kahoy sila Katsumi at Seth. Sila Lester at JC naman yung baseball bat.

Ang gagaling akala mo gangster, teka ako wala pang armas, okay na kamao ko paniguradong makakatulog mga masusuntok ko.

"Teka Daniel, sino sino andoon?" Tanong ni Seth.

Oo nga no? Lilima lang kami di kakayanin.

"Frat ni Frack." Sagot ko.

Lahat sila nagtinginan sa akin para bang ewan na hindi mo maintindihan.

"Sama sama o sama sama?" Dagdag ko.

"Mas masarap sa tenga mga aray nila kaysa sa tunog ng gitara." Sagot ni Katsumi.

Natawa kami sa sinabi niya kahit alam ko namomoblema din sila kase marami sila at kami lima lang.

"Pre, gawin mo yung tama at siguraduhin mong kayanin mo ang consequences."

Anong klaseng pabala ni JC?

Warehouse sa hide out ng Frat ni Frack bahala na si batman, Kathryn andyan na ako.

*****

Asa warehouse na kami at may special treatment pala kami, hindi ko inakala yun.

Pinalibutan kami ng walong kalalakihan na may kanyang kanyang armas.

Mukhang mapapalaban kami agad ng wala sa oras.

"Daniel Padilla." Sabi ng isang malaking lalaki na asa harapan ko.

"Oh ano?" Sagot ko.

Nagbigay daan sila sa amin ng Parking 5 at itinuro yung daan papasok.

Warehouse ba talaga 'to?

Ayos na ayos akala mo talaga luma na magmukhang bago.

"Ms. Athena." Sabi ng asa gilid ko.

Athena? Tama ba? Athena Smith? .

Bakit siya andito? Siya ba may pakana ng lahat na 'to?

"Hello my dear ex boyfriend."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Bakit? Ka andito?" Tanong ko.

Niyakap niya ako pero hindi ko siya niyakap pabalik.

Love Finds A Way (On going)Where stories live. Discover now