Chapter 5: Blind Date

108 7 0
                                    

Unang araw na ng Falling Game kahit kahapon pa nagsimula yung laro pero para sa akin ngayon.

Maaga ako nagising para makapaghanda ng mga dapat gawin.

Nakaligo at naka breakfast na din ako. Ready na ako pumasok ng school.

Dami kung kailangan gawin sa buhay pero mas iniisip ko si Kath kung paano ko siya malalapitan at makakausap ng maayos na hindi maiilang.

"Good Morning bro!"

Anak ng pusa naman, bakit andito si Katsumi sa bahay? Anong trip niya?

"Bakit ka andito? Hindi naman ito ang school natin." Sabi ko

Lumapit siya sa akin sabay akbay.

"Anong balak ng kaibigan kung torpe?"

Torpe? Kelan pa?

Tinignan ko lang siya at hinila ako palabas ng bahay.

"Tanghali na! Ngayon lang nagising." Sabi ni Lester na nakaupo sa may gitna ng van.

Ang sweet naman ng mga kaibigan ko talagang sinundo pa ako dito sa bahay.

"Tara pasok na tayo." Sabi ko sabay sakay.

Ang ingay sa loob ng van kung anu- anong pinagplaplano nila sa mga babaeng i-fafall nila.

Asaan ba ako? Di ko alam kung saan ako magsisimula sa kanya.

"Baba." Sabi ni Seth siya kase nagdridrive.

Nagkaroon ng katahimikan ng makita namin na asa tapat kami ng flower shop.

Anong gagawin namin dito?

Wala namang patay na pupuntahan saka malalate na kami sa unang class namin.

****

Asa loob na kami ng shop at ang daming magagandang bulalaklak.

Isa isa kaming nag ikot sa loob at kanyang kanyang bili naman pero sympre hindi ko bumili wala naman ako pagbibigyan noon.

"Lester, bilhan mo ako tas bati na tayo."

Pabirong sinabi ni Katsumi at umaaktong bakla.

"Bili kana, minsan lang 'to. You made the deal with me yesterday don't you?"

Nagulat na lang ako na asa tabi ko na si JC na may hawak na bulaklak.

Wala na akong choice kaya inikut ko yung mga mata ko sa paligid para makahanap ng bulaklak na maganda at bahala na kung kanino ko ibibigay yun.

Nakabili na kaming lahat ng mga bulaklak at sumakay na sa van pero hindi na si Seth yung driver at si Katsumi na.

Hindi ko alam kung may mga balak na magsipasok ang mga 'to pero ayus na din kase nakakatamad pumasok.

Nagsimula nanaman ang mga ingay nila na nakakarindi na puro plano na alam ko naman na mapapako sa huli.

"Daniel, tulala?" Sabi ni Seth.

Sino pa naman ang hindi matulala? Wala akong naiintindihan sa mga nagaganap dito sa loob ng van na parang ako lang ang walang alam.

"Ano bang plano?"

Sabi ko na napaka seryoso na medyo naiinis na.

"Doon tayo sa malayong lugar pre." Sabi ni Lexter

Bahala na sila sasama na lang ako.

*****Kath's POV*****

Aga aga naman akala mo may sunog kung makabulamog sila Michaela at Kylie.

"Kath! Bangon na!"

Love Finds A Way (On going)Where stories live. Discover now