Chapter 3: Falling Game

144 5 0
                                    

"Mga tol, laro tayo." Nag aya nanaman ng laro si Seth at sa malamang kakaiba 'to. Nagdeal kami sa gusto niya.

"Siguraduhin mong may mangyayaring masaya."

Taas baba pa ang kilay ni Katsumi habang patawa tawa.

Tumahimik na kaming lahat at may inilapag si Seth na mga pirasong papel.

"Ano yan? Basura?"

Pabiro na sinabi ni JC at nakatanggap siya ng isang batok galing kay Lester.

Bakit may mga numero yung papel na hanggang lima? Ano to? Charades?

Nagkatinginan kaming lahat  na parang si Seth lang talaga ang may alam nang mga mangyayari.

"Game, bunot na saka ko sasabihin kung anong gagawin."

Sabi ni Seth at sabay sabay kami bumunot.

Kinuha ko yung number 1, number 3 kay Lester, number 5 kay JC, number 2 Ketsumi at number 4 kay Seth.

Iba ang kutob ko dito parang maling numero ata pinili ko pero bahala na, be a man Daniel.

Pumalakpak si Seth na akala mo nanalo na hindi mo maintindihan.

"Poblema mo?"

Seryosong nagtanong si JC at kahit sino naman magiging seryoso sa pinaggagawa niya, lahat ng pinapagawa o gagawin niya may sense.

"Buksan niyo yung papel." Sabi niya habang naka tingin sa akin.

Iba talaga ang kutob ko at tama nga ako, anong falling game?

"K-kathryn."

Yan lang nasabi habang hawak ko yung papel.

Bumilis tibok ng puso ko na puno ng mga tanong.

"Kylie akin!?" Sigaw ni Lester.

Nagtawanan saglit kase alam namin na crush niya din yun.

Ang kay Seth naman ay si Michaela.

Lexie ang kay JC

Si Katsumi ang hindi pa nagbubukas ng papel na parang ayaw kumibo.

"Pre ano? Frozen? Let it go~ Let it gooo~"

Ito nanaman at ngayon si JC naman ang nang aasar.

Hinihintay namin siya magsalita at gumalaw pero wala atang balak ang loko.

"Akin na nga yan. Weak naman 'to."

Inagaw ko yung papel sa kamay niya at bigla akong natawa sa nabunot niya.

Lahat sila lumapit sa akin maliban sa kanya na hanggang ngayon wala pa rin sa mundo.

"Kapag destiny nga naman."

Sabi ni Lester sabay akbay sa kanya na madrama

"Akala ko forever tayo, handa naman ako isuko si Lexie kung ako pipilin mo." Dagdag pa niya.

"Ehem, Sofia at Katsumi." Sabi ni Seth.

Tinitignan ko si Katsumi na parang walang wala talaga pero alam ko mag-iisip din ang malokong yan.

Umubo si Seth pala makapagsalita na siya at lahat kami nakatingin sa kanya.

"All ears are yours." Sabi ko.

"Falling game ang laro natin at lahat sa mga binunot yung mga papel na may pangalan ay alam ko sa mga pinakamahalaga at kinaiinisan ninyo. Kailangan niyo sila  mahulog sa inyo at kung sino unang ma fall, talo. Kayo na bahala kung seseryusuhin niyo."  Sabi niya.

Lahat kami napa buntong hininga na lang. Ano bang pinasok ko?

Oo si Kath pinaka mahala sa akin pero alam ko di ganoon kadali yun para sa amin dalawa.

"Masisira ata ang diskarte ko sa mga chix mga pre."

Sabi ni JC sabay kamot sa ulo.

Ex is ex pero bakit kailangan balikan ang lahat ng ganito. Marco ano bang balak mo?

*****Seth's POV*****

Alam kong hanggang ngayon apektado pa rin si Daniel sa mga naganap sa paghihiwalayan nila ni Kath at alam ko din hindi totoo ang rason.

Kitang kita ko sa mga mata niya yung gulat nang nakita niya si Kath sa room namin.

That's how arrow of love, binata na talaga 'tong loko kung kaibigan.

Niyaya ko yung squad namin para pumunta kung saan si Daniel at ayun sakto papunta din kaming school field doon lang naman pupunta yun.

Nilapitan namin siya at mukhang malalim ang iniisip.

"Kamusta ang pag susun bathing?"

Tanong ni JC. Tinignan lang niya kami ng blankong expresyon.

"Nagkita kami at nagkausap doon sa canteen." Sabi niya.

Kilala na namin ang tinutukoy niya. Malamang sa malamang walang pinatunguhan ang pinag usapan nila.

"Bunot kayo." Sabi ko.

Maglalaro lang naman kami ng falling game at alam ko lahat kami magiging apektado sa kakalabasan.

Falling game, isang larong mapaglinlang na akala mo pati siya mahal ka pero hindi. Kailangan na ni Daniel magawaan ng paraan si Kath, pwedeng magkaayos o magka closure talaga sila at sa aming apat, bahala na pero alam ko may magandang kakalabasan yung amin maliban kay Daniel.

Ito din yung nabanggit na operation X na Falling game at ako lang may plano nito para may thrill.

***
"Hay naku! Bakit pa ako nakisama sa trip niyo?"

Reklamo ni Lester na alam naman namin na walang hilig sa mga ganito lalo't si Kylie yung nabunot niya na may crush sa kanya at crush niya.

Bahala na kung anong kapalaran naming lima, andito na kaya wala nang atrasan pa.

Si Kath pa talaga sa lahat ng pwedeng maka fall ko at alam ko naman una't sapol na ako yung mafafall kase mahal na mahal ko pa.

"Magsisimula tayo ngayon, walang end time 'to pakiramdaman tayo." Sabi ni Seth.

Agad agad naman nagsimula yung laro hindi talaga nag aaksaya ng oras ang mga 'to.

Bahala na talaga si batman. kath paano ba kita makukuha ulit?

*****Kath's POV*****

Canteen is where we just met, hindi ko alam kung sadya ba o ano pero bakit ganoon yung naramdaman ko?

Noong umupo siya malapit sa akin, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

Ano bang poblema mo Kath? Wala na kayo ni Daniel, move on.

Hanggang ngayon andito pa rin ako sa canteen at mag-isa ng biglang dumating sila Michaela na sobrang saya.

"Gurl! Seth is too gwapo!"

Sabi ni Michaela na sobrang kinikilig at si Kylie naman ganoon din kay Lester.

"Anong ganap?"

Tanong ni Kylie na sobrang titig sa akin na parang nangingilatis.

Huminga ako ng malalim saka ko sinagot yung tanong.

"Nagkita kami ni Daniel at nagkamustahan lang."

Nagtilian ang dalawa, sanay na sanay na talaga ako sa mga 'to.

"Teke leng Keth heh!!! WALA LANG MANG FEELINGS!?" Sigaw ni Michaela.

Malamang meroon, ikaw pa naman makasama yung ex mo na kayong dalawa lang tapos pareho pa kayo ng kinakain sino kaya ang hindi kikiligin.

Hindi ko na lang pinansin yung mga pinagsasabi nila kase alam ko wala din naman yun para kay Daniel.

Ganoon ba kadali mag move on yun? Parang wala lang sa kanya yung pakikipag break ko sa kanya, sana nga okay na yun.

Love Finds A Way (On going)Where stories live. Discover now