Chapter 8: Date: Lester and Kylie

81 4 0
                                    

"Hoy Lester!!!!! HINTAYIN MO AKOO!"

"Bilisan mo nga, hanggang ngayon ang bagal mo pa ding maglakad." Sabi ko.

Inabot ko yung kamay ko sa kanya para makasabay kami.

"Dahan dahan lang Lester ah." Sabi ko.

Para siyang bata.

"Tara sa Kotse ko."

Ni-parking ko din yung kotse ko sympre hindi pwedeng wala kaming masakyan.

"Saan mo ba ako ipupunta?" Tanong ko.

"Wag kanang maraming tanong dyan, sumama ka na lang." Sabi niya.

Alam ko namang short temper si Kylie at alam ko ding naiinis na siya.

Wala talaga akong balak tanungin kung saan niya gustong pumunta.

"Wag ka ngang sumimangot dyan, ang panget mo na nga. Ngiti naman Kylie."

"MAGANDA AKOOO HINDI MO LANG TALAGA MAKITA!"

Aray! Yung boses niya sobrang taas!

"Manahimik ka nga dyan! INGAY MOOOO" Sagot ko.

Hindi namin na pansin na magkalapit na mga mukha namin na halos hininga namin ramdam na.

Nagkaroon kami ng ilang minutong pagtitigan. Ang pula ng labi niya, parang ang sarap halikan.

Binalin ko yung tingin ko sa manobela at ni start yung kotse.

"Tara na nga, panget mo talaga."

Hinampas niya yung braso ko at sunimangot ng sobra.

"Akala mo naman gwapo! MUKHA KANG SHOKOY!"

Tumawa siya kase nakita niya yung expression ko na naka sulubong kilay.

Asarin mo na ako lahat lahat wag lang Shokoy.

"Pikooon!" Dagdag pa niya.

Hindi ko siya pinansin at nagdrive na lang pero hindi ko alam kung saan ko ipupunta si Kylie.

Bahala na kung saan aabutin ng gasolina, wala naman sa plano namin yung pakipagdate biglaan naman 'to.

******Kylie's POV******

Akala mo kung sinong gwapo, mukha namang Shokoy dapat kay Lester tinatapon sa dagat.

Bakit pa ako sumama sa kanya? Wala atang tuwid na landas 'tong lalaking 'to.

Naku Kylie, bakit ka pa nag "Yes?"

Yung crush mo ngayon kasama mo na pero kinaiinisan mo na.

Bakit ganoon yung naramdaman ko kay Lester?

Magkalapit mga mukha namin at damang dama ko yung buong siya, mas bumibilis tibok ng puso ko sa kanya.

Tinignan ko siya habang nagmamaneho, talagang gamay niya yung manobela.

"Stop staring at me, baka matunaw ako."

Ang kapal naman ng lalaking 'to masyadong mataas ang standard akala mo naman! Sarap talaga itapon.

"Yung utak mo naku! Wag kang mag-isip ng ano ano dyan." Dagdag pa niya.

Galing naman, akala mo din alien.

Binalin ko na lang din yung tingin ko sa mga view sa bintana, puro naman buidling at bilihan ng mga damit.

Mamahalin at galante talaga ng mga damit, wala naman akong sapat na pera kaya hanggang window shopping lang ako.

Love Finds A Way (On going)Where stories live. Discover now