Kabanata XXXIV

34.5K 956 234
                                    

NAGLALAKAD kami nitong kasama ko papuntang Heriol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGLALAKAD kami nitong kasama ko papuntang Heriol. Tanging ang ingay lang ng simoy ng hangin, tunog ng mga dahong nagbabanggan, at mga kulilig ang maririnig sa aming paligid. Wala nang mga estudyanteng na pagala-gala dahil gabi na rin.

Bago pa 'ko makapagsalita ay pinalutang niya 'ko para makaupo sa sangang inuupuan namin noon. Bumwelo naman siya't tumalon-talon hanggang sa makarating sa'king tabi.

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan na hinayaan ko lang. Siya ang ginustong makipag-usap at kung ako ang papapiliin ay mas nais kong kasama ang mga magulang ko sa oras na ito. Sadyang tinulak lang ako ni Papa na paunlakan siya para raw kahit papaano ay masagot ang kung ano mang tanong ko at mas mabilis akong mapanatag.

Napag-alaman ko rin kay Tiyo na matalik na kaibigan nila ang nanay ng lalaking ito noong nasa mundo pa ng mahika ang aking mga magulang. Kaya napagtanto kong mabuti nang tapusin ang kung ano mang masamang tensyon sa'ming dalawa dahil baka pati sila ay maapektuhan. Kumpara sa pagka-kaibigan nila ay maliit na bagay lang ang aking nararamdaman.

"Kumusta ka na?" Malumanay niyang tanong habang nakatingin sa malayo.

"Kung masasabi mong ayos lang sa pakiramdam na makita niya kayong naghahalikan ng kaibigan niya, oo, siyempre, ayos na ayos siya." Iritang sagot ni Fire sa isip ko.

Palihim akong napailing sa narinig at pinigilang bumungisngis. "Ayos naman. Medyo pagod kasi hindi pa nakapagpapahinga, pero ayos lang."

Tumango siya at tumahimik na naman. Kung pwede lang sabihing paki-bilisan niya dahil hindi ko gustong magtagal dito ay ginawa ko na.

"Buti na lang at nakaaalala ka na." Hindi pa rin nakatinging saad niya. "Alalang-alala sa'yo ang mga magulang mo. Ako lagi ang napupuntirya ng galit nila."

Napakunot-noo 'ko. Anong gusto mong iparating?

"Parang kasalanan pa ng mga magulang mo, ha?" Hindi makapaniwalang sambit Earth na nagpatigil saakin nang akmang sasagot na 'ko dahil hindi ko nagustuhan ang mga pinili niyang salita.

Napataas ang aking dalawang kilay at tila nabura ang namumuong inis nang may mapagtanto. Hindi ko na kailangang magalit dahil mayroong magagalit para saakin. Kahit 'yon lang ay nakagagaan na ng pakiramdam.

"Pasensiya na sa kanila." Walang emosyon kong wika, kabaliktaran ng aking nais sabihin.

Ngumiti siya ng tipid at sumulyap sa'kin. "Ayos lang. Ako rin naman ang dahilan kung bakit nahiwalay ka sa kanila at nakuha ng mga Cabanes."

Narinig kong tumawa ng sarkastiko si Water. "Buti alam niya."

Wala akong isinagot dahil totoo namang may parteng kasalanan niya at hindi ko kailangang kontrahin 'yon para lang sa kaniyang pampalubag-loob. Nang hindi ako nagsalita ay lumingon siyang muli saakin, ngayo'y hindi na niya inalis kaagad at mas matagal nang sinalubong ang aking mga mata. Pilit ko ring ginantihan ang titig niya para hindi niya isiping hindi ko siya kaya.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon