Kabanata VI

59.2K 1.4K 61
                                    

PINIPIGILAN kong tumawa habang pinapanood sila Wendy at Misha na lantarang sinusuri ang aking mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PINIPIGILAN kong tumawa habang pinapanood sila Wendy at Misha na lantarang sinusuri ang aking mukha. "Tumingin sa dinadaanan at baka madapa kayo." Malumanay kong babala habang naglalakad kami papuntang gusali.

Naningkit ang mga mata ni Misha. "Paano ka nga nakaakyat kung hindi ka pala marunong bumaba?" Tanong na naman nito na ilang beses ko nang sinagot kanina.

"Hindi ba pwedeng marunong umakyat ang isang indibidwal kahit hindi sila marunong bumaba?" Nagbibiro kong saad. "Hindi naman lahat ay alam ang papunta at pabalik, 'di ba?"

Bahagya akong napatalon nang hampasin ako ni Wendy sa braso! "Anong klaseng pamamaraan nang pag-iiba ng usapan 'yan?" Natatawa na rin nitong tanong at nginisian ako. "Siguro ay mahika ka na at hindi mo lang sinasabi sa amin, ano?

Umismid ako sa narinig. "Wala. Hindi niyo ba nakita si Firro na paalis nang dumating kayo?" Suko ko na sa panunuya. "Siya ang nagtaas sa'kin doon nang walang paalam. Bigla ba naman akong nilutang?" Naalala ko na naman ang pakiramdam ng nangyari kanina at kulang na lang ay maduwal ako sa kaba.

"Si Dustin ang nag-akyat sa'yo?" Mahinang tanong ni Misha na parang may malalim na iniisip. "Bakit naman?"

Umiling si Wendy. "Siguro ay ginawa niya 'yon dahil sa sinabi mong hindi ka pa handang tanggapin ang mundong ito. Kahit pa kakaiba ay 'yon ang paraan niyang tulungan kang mas mabilis na iakma ang iyong sarili rito."

"Huwag niyong masyadong madaliin dahil baka mas lalo siyang mabigla." Napalingon kami kay Xander na mas binilisan ang lakad para makasabay sa amin.

"Bohr." Kunot-noo siyang tiningnan ni Wendy. "Saan ka na naman nanggaling?" Nilingon niya ang direksyon kung saan ito nagmula. "Sa opisina ng punong-guro? Anong ginawa mo ro'n?"

Iwinasiwas niya ang kaniyang kamay. "Binati ko lang siya ng magandang gabi." Simpleng dahilan nito at lumingon sa'kin.

Napansin kong lumiko kami papunta sa gusali ng mga dormitoryo at hindi sa gusali ng mga pangkat. "Babalik na tayo? Tapos na ba ang klase?" Lumingon-lingon ako sa paligid at wala namang ni isang estudyanteng kumakalat.

Umiling si Misha. "Ang regular na klase ay hindi pa tapos. Pero dahil nga sa pinaliwanag namin sa'yo kanina, kapag walang dapat malaman o matutunan na bago ay pwede na tayong umuwi kaagad matapos natin pirmahan ang talaan ng pagdalo. Isa rin 'yong dahilan kung bakit hindi kami lumiliban sa klase, mas maayos tingnan kung kumpleto ang ating pagdalo."

"Paano ang lagay ko?" Hindi ko maiwasang itanong. Paano ako matututo kung hindi pala kami magkakaroon ng mga klase?

Ngumiti si Wendy. "Kami ang magtuturo sa'yo, Roy. Hindi ganoon karami ang mga guro ng akademya kumpara sa dami ng mga estudyanteng Heirrion kaya hangga't maaari ay tungkulin nating mga HA-1 na bawasan o pagaanin ang kanilang mga trabaho."

May kapalit din talagang ang kalayaang binibigay sa kanila, at 'yon ay mga responsibilidad. Patas nga kahit papaano. Kahit ang mga estudyante sa ibang pangkat ay hindi nakatatanggap ng tratong ibinibigay sa HA-1, katumbas naman noon ay wala rin silang kailangang isiping gawain kagaya ng pagtuturo o pagtulong sa mga sitwasyon sa labas.

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon