Kabanata IX

50.5K 1.3K 25
                                    

SINUSUBUKAN kong mas habaan ang aking pasensiya habang pinapanood ang nanay ko na nakikipagtawanan sa taga-bantay ng pang-apat na bilihang pinasukan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SINUSUBUKAN kong mas habaan ang aking pasensiya habang pinapanood ang nanay ko na nakikipagtawanan sa taga-bantay ng pang-apat na bilihang pinasukan namin.

Matapos niyang pakainin ako ng almusal kanina ay mabilis siyang dumiretso sa banyo. Naisip kong baka sinakitan lang siya ng tiyan kaya pinabayaan ko muna, ngunit pagkalabas nito'y nakabihis na siya ng pang-alis at hinila 'ko papunta sa sasakyan. 

Ang buong akala kong pag-uusap namin matapos mag-umagahan ay biglaang napunta sa pagpunta rito sa mall at kung ano-ano ang pinamili niyang mga damit.

Napailing na lang ako at inayos ang pagbuhat sa mga pinahawak niya sa'kin, habang siya nama'y pumasok na naman doon sa silid kung saan maaaring magsukat. 

Mukhang napansin ng taga-bantay ang hindi natutuwang ekspresyon sa aking mukha kaya sinubukan nitong magbigay ng ngiti, na sinuklian ko naman bilang respeto.

"Ayos ba, anak?" Dumako ang tingin ko kay Mama na lumabas na at may suot-suot na pormang hindi akma sa kaniyang edad.

Huminga ako ng malalim at isinantabi ang inis na nararamdaman. "Simula pa noon ay magaling ka nang pumili ng mga damit, 'Ma." 

"Hindi ba nakaiilang tingnan? Na hindi na bagay sa'king edad?" Patuloy niya pa ring tanong habang nakatingin sa salamin.

Mahina akong natawa. "'Ma, may nakatakda bang edad sa pagsuot ng damit? Lahat ay babagay hangga't kayang dalhin ng nagsusuot, ano." 

Napangiti naman siya sa narinig at bumalik na sa loob ng sukatan para magpalit sa orihinal niyang suot.

Nang akala ko'y kuntento na siya ay may mga bilihan pa kaming pinasukan matapos doon, kaya ang resulta'y buong araw kaming nagpalibot-libot sa mall at puro pamamasyal lang ang ginawa.

Hindi ko rin naman magawang sawayin siya kahit na nauusog nang nauusog ang nakatakda naming pag-uusap dahil natutuwa rin naman akong nagkaroon kami ng oras sa isa't isa.

"Kapagod!" Kaagad na sigaw niya pagkaupong pagkaupo sa upuan nang makauwi na kami sa bahay.

Huminga ako ng malalim bago inilapag ang mga pinamili sa gilid. Sa wakas.

Umupo ako sa kaniyang tabi at humalukipkip. "Sino ba kasing may sabing gumala tayo simula umaga hanggang gabi?" Natatawa kong wika. "Mas marami ka pa yatang binili para sa akin kaysa para sa'yo, ikaw 'tong mas mahilig pumorma sa ating dalawa."

"Nasiyahan ka rin naman." Nanunuya nitong tugon at tumayo na para mag-unat. "Magbihis ka na ng mas kumportableng damit para sa pagtulog, tapos ay saka ka dumiretso sa iyong silid. Mag-aayos lang din ako at doon ako matutulog sa'yong tabi." 

Umakyat na siya papunta sa kaniyang kwarto. Kahit pa ayokong tumayo dahil masakit ang aking mga paa ay kaagad din akong dumiretso sa bag na dala para kumuha ng mas preskong suotin. 

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon