Kabanata XVII

48.4K 1.2K 138
                                    

"NGAYON na nga lang tayo nagkita, nakasimangot pa ang iyong mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"NGAYON na nga lang tayo nagkita, nakasimangot pa ang iyong mukha." Natatawang sabi ni Tiyo matapos kong pumwesto sa upuang nasa tapat ng kaniyang mesa.

Nandito 'ko sa kaniyang opisina nang nagkaroon ako ng oras para siya'y makausap. Wala ang mga kaibigan ko sa silid ng aming pangkat dahil mukhang may kaniya-kaniya silang kailangang asikasuhin.

Si Misha ay piniling mag-ensayo na niyaya rin ako, ngunit sabi ko'y may kailangan akong puntahan. 

Si Wendy ay inutusan ni Propesor Beth na kung maaari raw bang mahiram ang kaniyang kapangyarihan para sa ginagawa nilang bagong likido, na muntik pa 'kong mahila para samahan siya ngunit nagawa kong tumakas kaagad. 

Si Firro ay humingi ng permisyon para lumabas ng akademya dahil may kailangan daw siyang tingnan sa labas. 

Si Xander at Nhildon naman ay ni hindi ko nakita ang anino kanina bago kami maghiwa-hiwalay.

"Bakit ngayon lang kita nakita rito sa akademya kung ikaw ang punong-guro rito? Bakit hindi sinabi sa'kin ni Mama? Anong kapangyarihan mo? Elite ka ba?" Sunod-sunod kong tanong para lang ipamukha sa kaniyang ang pagkabigla kong matagpuan siya rito.

Tumawa siyang muli at humalumbaba sa ibabaw ng mesa. "Ngayon mo lang ako nakita kasi may inasikaso 'ko na inutos ng iyong Lolo. Minsan na nga lang akong lumabas sa kadahilanang ako ang punong-guro rito kaya 'wag mo nang puntiryahin 'yon. Lalo pa't tayo ang may-ari ng akademyang ito at ako ang naatasang humawak." 

Kami ang may-ari ng akademya? Imposibleng nakalimutan sabihin ni Mama ang bagay na 'yon. Alam niya sigurong malalaman ko rin naman lalo pa't narito 'tong si Tiyo. 

Maaari ring hindi niya maatim sabihing kami ang may hawak ng isang institusyon na namamahala ng mga estudyanteng katulad ko, lalo pa't napagdesisyunan nilang lisanin namin ang mundo ng mahika.

Huminga siya nang malalim. "Baka nakalimutan lang ng Mama mo sabihin o akala niya'y sasalubungin kita noong unang araw ng pasok mo. Ano nga bang kapangyarihan ko?" Umakto siyang nag-iisip. "At hindi. Hindi ako Elite. Ano, ayos na?"

Tumahimik muna 'ko saglit para intindihin ang mga sinagot niya. Mukhang wala pa itong balak ipaalam sa'kin ang kaniyang kapangyarihan.

"Pasensiya na kung pinaulanan kita ng mga tanong." Ngumiti ako nang tipid. "Kumusta ka na, Tiyo? Sobrang tagal nating hindi nagkita." Malumanay kong pahayag.

Ang huli niyang bisita sa bahay ang ilang taon na ang nakalilipas. Natatandaan ko pang kaarawan ko noong araw na pumunta siya. 

Hindi ko rin makalilimutan na tinatanong ko nang tinatanong noon sila Mama at Papa kung bakit hindi na ulit dumadalo si Tiyo sa mga sumunod kong kaarawan, na dahil ilang beses nangyari ay napagod na rin akong humingi ng kasagutan. Ngayon ay mukhang naiintindihan ko na kung bakit.

Inalis niya ang pagkahalumbaba sa mesa at sinuklian ako nang malungkot na ngiti. "Hindi mo siguro natatandaan pero noong huli kong bisita ay nahuli mo 'kong may kausap gamit ang aking mahika sa inyong bakuran."

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon