Kabanata XV

46.7K 1.2K 101
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TAHIMIK akong nagtatago at nakatayo sa sanga ng puno

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TAHIMIK akong nagtatago at nakatayo sa sanga ng puno. May naramdaman kasi akong sumusunod sa'kin. Sinubukan kong iligaw pero hindi siya mawala-wala. Dahil sa katigasan ng ulo niya'y napagdesisyunan kong hintayin kung sino mang estudyanteng nagbabalak sugurin ako mula sa likod.

Ilang minuto ang nakalipas bago ko siya natanaw na lumilingon-lingon, marahil ay hinahanap ako. 

Napansin kong ang suot niya ay kulay berdeng uniporme. Mula sa HA-5

Hinintay kong maglakad pa siya papalapit hanggang sa nakapwesto na siya sa ilalim ng punong kinatatayuan ko mismo. Huminga 'ko nang malalim at bumwelo bago tumalon pababa para bagsakan siya!

"Aray!" Nagpumiglas siya para lingunin kung sinong nakadagan at nanlaki ang mga mata. "P-Paanong—?!"

"Wag ako, binibini." Malumanay kong saad at pwersahang kinuha ang pin na nasa kaniyang damit. Tumigil naman siya sa pagpupumiglas, bumubulong ng iba't ibang mura sa sarili.

Tumayo na 'ko nang maayos at tiningnan ang pin na nasa kamay ko na. Unti-unti siyang nawawala at siguradong doon siya sa klinika babagsak. Sabi ni Firro, lahat ng natatalo'y sa klinika napupunta. 

Napangiti ako at itinago na ang pin sa ibinigay nila sa'ming lalagyan. Sampung puntos.

Nang nagsimula na ulit akong maglakad ay may nakita 'kong babaeng naka-kulay asul na uniporme. Pinagpagan ko ang aking damit habang pinapanood siyang halatang hindi mapakali sa kaniyang paligid. Estudyanteng galing sa HA-2.

Naglabas ako ng hugis-balisong na apoy sa'king kamay at mabilis 'yong ibinato sa kaniyang direksyon. Mukhang naramdaman niya ito dahil kaagad siyang umilag! 

Lumingon siya sa'kin at bahagyang nagitla nang makita ako. Umayos siya ng tayo at ngumisi nang may matalas na tingin.

"Ikaw ang bagong salta sa HA-1, hindi ba?" Panimula niya. "Sigurado ka bang hindi ikaw ang bagong Heir? Bakit ka naman nila itinatago kung ikaw nga?"

Kumurap-kurap ako. "Napakadami mo namang tanong?"

Bago pa siya makasagot ay mabilis akong pumunta sa kaniyang likuran. Mukhang hindi niya 'yon inaasahan kaya madali kong napatid ang kaniyang kanang paa, dahilan para siya'y matumba. Nang maglalabas ulit ako ng balisong ay naunahan niya 'kong umatake kaya natamaan ang aking braso!

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon