Kabanata VIII

49.5K 1.3K 35
                                    

NAKALIPAS na ang ilang araw pero wala pa rin nangyayari sa'kin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKALIPAS na ang ilang araw pero wala pa rin nangyayari sa'kin. Hindi ko pa rin alam ang aking kapangyarihan o kung mayroon nga ba. Kaya napagdesisyunan na rin naming pagtuunan ng pansin ang aking katalinuhan sa salitang paraan.

Sabado na at malapit na ang unang impyernong linggong sinasabi nila. Noong una ay tantsa lang naman daw na magiging abala kami dahil ganoon daw ang madalas na senaryo sa bawat taon, na magsisimula nang manghingi ng tulong ang akademya sa HA-1 kapag isang linggo na ang nakalipas mula sa simula ng pasukan. 

Ngunit napag-alaman namin kahapon na ang hinuha ay mukhang magiging totohanan dahil napuruhan daw ang mga ekspertong Heirrion na orihinal na nakatakda sa panghuhuli ng mga mahikerong inaabuso ang kanilang kapangyarihan sa mundo ng mga mortal, kaya ang kinalabasan ay kami nga ang naatasan ng mga guro sa gawaing ito pansamantala.

Tinanong ko sila kung pwede na ba 'kong sumama dahil baka maging pabigat lamang ako, ngunit ang kanilang sagot ay hinding hindi raw ako magiging sagabal. 

Mapakikinabangan daw namin ang aking talino sa mga sitwasyong malaki ang posibilidad na mas mabilis kong masusuri ang mga bagay-bagay, kagaya ng pag-oobserba sa paligid, mapapansin kung anong kakaiba sa mahikero, o magkakaroon ng ibang lohika at paliwanag tungkol sa insidente kumpara sa kung ano mang iniisip nilang apat.

Kahit maaaring sinabi lang nila ang mga 'yon para pagaanin ang aking loob ay natuwa pa rin akong marinig na may magagawa ako kung sakali. Gusto ko rin naman talagang sumama para mas mayroon na 'kong matututunan sa mga responsibilidad ng aming pangkat.

Bago ang mga 'yon ay may kailangan muna 'kong asikasuhin. 

Dahil nga Sabado ngayon at walang pasok ay binigyan kami ng permisyon sa paglabas ng akademya para mamasyal o bumisita sa aming pamilya. Imbis na sumamang mamasyal kila Wendy at Misha ay mas pinili ko munang umuwi dahil gusto ko nang makita si Mama, lalo pa at sa lahat ng tawag ko'y wala siyang sinagot kaya hindi ko alam kung anong kasalukuyang lagay niya.

Isinara ko na ang pinto ng aking dormitoryo at saktong kalalabas lang din ni Firro mula sa kaniyang silid na nasa tabi ng akin. Sa kabila ko naman ay ang kay Misha. Magkabilang dulo naman ang kay Wendy at Xander.

"Magandang umaga, Gabriel." Halata sa boses nito na kagigising niya lang. "May pupuntahan ka?" Tanong nito habang isinasara ang kaniyang pinto, matapos ay nauna nang naglakad papuntang elevator. "Sasama ka sa gala no'ng dalawa?"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Magandang umaga rin. At hindi, uuwi muna 'ko sa bahay para bisitahin si Mama. Sa susunod na lang siguro ako sasama sa kanila." Bumukas na ang elevator at pumasok na kaming dalawa. Nilingon ko siya at napatingin din siya sa'kin. "Ikaw ba, Firro? Wala kang pupuntahan?"

Umiling siya at inilagay sa bulsa ang kamay. "Wala. Tutulog lang ako buong araw ngayon at bukas, mag-eensayo kung gaganahan, o magbabasa ng libro sa Heriol." Saka ko napansin na may hawak siyang aklat sa isa niya pang kamay. 

InheritedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon