Final Chapter

23.6K 599 112
                                    

Lhyn's POV


"Saan niyo ba kasi ako dadalhin?" pang benteng tanong ko.




Paano ba naman kasi, pumunta sila sa penthouse na tinitirhan namin ni Mich at pinilit na sumama sakanila.




Kung tinatanong niyo kung nasaan siya,nasa mansion nila kasama yung ibang kaibigan niya at mga pinsan niya,bukas na gaganapin ang kasal namin at may tradisyon daw sila na hindi pwedeng magkita ang maikakasal bago ang kasal.




So ito nga, halos 30 minutes na akong nakapiring at hindi alam kung saan nila ako dadalhin.




"Basta, kaming bahala" si ate maiden, sus pahuhuli ba naman yan sa kasal ko.




"Magugustuhan mo to lhyn" si lyra naman, curious kayo kung bakit hindi na babe ang tawag niya? haha pinagbawalan na kasi siya ni Mich,alam niyo naman yun ang selosa,pati magulang niya pinagseselosan na rin niya.




Pagkaraan nang lima pang minuto ay tumigil na rin ang sasakyan at inalalayan nila ako.




Habang naglalakad kami ay naririnig kong nagbubulungan yung mga kasama ko, si ate maiden,ate naya, si lyka,cindy,trix, jessie na umuwi dito sa bansa para umattend sa kasal ko, at yung ibang kaopisina ko.




"Asan na ba kasi tayo?"




"Chill lang lhyn okay" pinaupo nila ako sa silya "sige na" naramdaman ko naman na may mga kamay na humawak sakin at itinali nila ako




"H-hoy a-anong ginagawa niyo" kinakabahan na tanong ko habang nagpupumiglas,kaso nga lang madami silang nakahawak eh. Narinig kong nagtawanan sila.




Pagkatapos nila akong itali nang sobrang higpit ay bumitaw na sila at tinanggal ang piring ko.




Nung makaadjust ang tingin ko ay nakita ko silang nakangiti ba yun o nakangisi,lahat sila ganun, dim ang ilaw at may ilaw na pang disco,yung iba ibang kulay na umiikot.




"Tanggalin niyo nga to, bakit niyo ba ako itinali ha?" sinsubukan kong makawala sa tali kaso nga mahigpit talaga, putek naman oh.




"Just enjoy the show lhyn" si cindy.




"A-anong show yan ha?" kinakabahang tanong ko.




"Music please" si ate maiden at pumalakpak nang dalawang beses.




Kasabay nang pagtugtug ng earned it ng the weekend ang pagtaas ng mga balahibo ko.




Nawala na rin ang ilaw at may nagdatingan na mga





EWWW!!!





Limang matchong lalake na nakasuot lang ng boxer na sobrang fit na fit sakanila, tapos necktie.






Sumasayaw sayaw sila ng sobrang sexy habang nakapalibot sakin, ewww lang!!!



Yung mga kasama ko naman nagchicheer habang may mga hawak na drinks.




Ako naman eto, nandidiri sa nakikita ko," ate please alisin niyo sila, kadiri huhuhuhuhu" pagmamakaawa ko sakanila pero tinawanan lang nila ako.




Grabe di ko masikmura! Nasusuka ako, lintik.





Nagpapasalamat naman ako nang matapos ang kanta.




Hooh! sa wakas.





Pero ang akala ko na tapos na hindi pa pala, dahil bigla naman tumugtog yung careless whisper. Mas lumakas din ang cheer nila.




I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now