Chapter 28 Seduce

14.4K 387 25
                                    

Lhyn's POV

"Bye alis na ako" paalam ko sakanilang tatlo, ngayon kasi ako mag iisleep over sa bahay nina Michibabe, kailangan ko nang pumunta gumagabi na eh, magbibike pa ako papunta dun.




"Lhyn gumamit kayo ng protection ha" ngising sabi ni ate maiden.




"Protection?" takang tanong ko,hindi naman kami makikipag laban o ano ah.




"Oo para hindi mo mabuntis" lumaki ang mata ko sa sinabi niya, tumawa sina papa at tito.



"Ate ang bastos mo! Walang ganung mangyayari okay?" inirapan ko siya at tumalikod na para makalabas.



"Anak wag mo munang buntisin ha magpakasal muna kayo" nagtawanan ulit sila. Nag init naman ang mukha ko. Lumingon ulit ako sakanila



"Papa hindi namin gagawin yun at kahit gawin man namin hindi ko siya mabubuntis" sabi ko,pero nang mapagtanto ko ang sinabi ko, natutop ko ang bibig ko at dali daling lumabas. Narinig ko pa ang malalakas na tawanan nila kahit na nandito na ako sa garage.



Putek! nakakahiya yun! kung ano ano kasi sinasabi nitong bibig ko eh! Bad bad bad!







Halos 6:30 na nang makarating ako sakanila, andun ulit siya nakatayo sa labas at hinihintay ako, dumiretso ako sa garage nila para ipark ang bike ko pagkatapos ay pinuntahan ko na siya.



"Hi michibabe" hinalikan ko siya sa pisngi.



"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nag aantay ah" nakapout niyang sabi habang inaabot ang kamay ko para hawakan.



"Sorry naman hehe tayo na sa loob?" tumango lang siya at nauna nang maglakad, sa living room kami pumunta at naupo.



"Hintayin nalang natin maluto ang dinner malapit naman ng maluto" nakangiting sabi niya at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko.




"Okay, wala pa ang parents mo?" inabot ko ang remote sa may coffee table at binuksan ang TV.



"nextweek pa daw uwi nila, kaya solong solo natin ang second floor mamaya" may bahid nang kung ano ang boses niya.



"Ah ganun ba?"



"Hmmhmm kaya ready ka na ba para mamaya?" may kung ano talaga eh, di ko mawari,parang ano parang pag nang aakit lang siya pero mas malalim pa dun.



"Ready? bakit manonood na naman ba tayo ng h-horror movie?" kinakabahang tanong ko at tumingin sakanya.



Ngumiti siya ng nang aakit "hindi, boring yun, gusto ko yung mas exciting" nakahinga naman ako nang maluwag dun.



"Eh ano? Action movies?"



"Nope, better than that"



"Scifi?"



"Not that also, it's not a movie okay" magtatanong pa sana ako ng may maid na dumating at sinabing luto na ang dinner.



Tumayo kaming dalawa at nagtungo sa dining area, grabe naman ang habang mesa. Umupo ako sa may gitna at tumabi siya sakin.



"Iwan niyo na muna kami,kami na ang bahala" magalang na sabi niya sa apat na maid na nakatayo sa may gilid, sinunod naman nila siya.



Tinignan ko ang mga nakahandang pagkain, MY GOD! ANG DAMI AT ANG SASARAP PA!



"you like the foods?" ngiting tanong niya, tumango tango naman ako.



I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon