Chapter 29 Abs

14.9K 363 16
                                    

Sooooooo here comes the problem.

Enjoy guys.

Thanks for reading and voting, and for following me also hehe.

-L.A.-



Lhyn's POV

So ang nangyari pagkatapos ko siyang suyuin dahil dun sa gusto niya na hindi ko pa maibigay nagmovie marathon lang kami, buti nga hindi horror eh baka kasi kapag natulog na naman ako mamaya magiimagine na naman ako ng mga nakakatakot na bagay,



"Denibabe mahiga ka na" sabi niya,nakatayo siya ngayon sa harapan ko hinaharangan ang screen, tinignan ko siya nang nagtataka.



"Ha? Okay lang na nakaupo ako, magsisimula na oh, upo ka na dito sa tabi ko" sabay tap sa tabi ko.



Umiling siya "no basta mahiga ka nalang okay? Wag ka nang matanong"



Wala na akong nagawa kundi humiga, "usog ka konti dito" sinunod ko naman, may konting space na sa may right side ko, sa sandalan ng couch.



Pumunta naman siya sa ibabaw ko nakaall four siya,akala ko papatong ulit siya sakin pero hindi pala yung kalahati lang, kasi ginamit niya yung natirang space sa may right side ko, ipinatong niya ang ulo niya sa may dibdib ko at yumakap sa bewang ko.



Ahhh ito pala plano niya, sweet haha, "okay lang kung ako nalang ang tignan mo instead sa pinapanood natin" umiwas agad ako ng tingin pagkarinig ko yun. Titig na titig kasi ako eh, aba eh sa ang ganda ganda niya eh.



"Yung movie nalang"



"Hindi okay lang talaga"



"Yung movie"



"Ako nalang"



"Movie"



"Ako"



"Haha ang kulit mo talaga"



"Hindi yan maganda lang talaga ako"



"Ha? sinong baliw na nagsabi niyan?"



"Che!" hinampas niya ako sa braso "ikaw yung baliw na yun noh"



"Ah oo ako, baliw na baliw sayo"



"Bwisit ka! wag ka ngang ano dyan" isinubsob niya ang mukha niya sa kilikili ko.


"Luh! mabango ba?"



"Hindi ang asim nga eh" pero mas isinubsob naman ang mukha, baliw lang.



"Haha ano ba nakikiliti ako"



"Ang baho baho kasi"



"Oo na mabaho na kaya wag mo nang amoyin haha"



Wala din namang silbi na nagmovie marathon kami dahil the whole time nagkulitan lang kami nang nagkulitan, andyan yung pangigigilan niya akong halik halikan, gusto pa nga niya akong hubaran eh, manyak talaga kahit kailan to! haha pero okay lang mahal ko naman eh.



"Luh! Tapos na naman ulit" pansin ko kasi sa ikalawang pinapanood namin na puros pangalan nalang ang nakikita sa may screen haha.



Inangat niya ang mukha niya mula sa panghahalik sa leeg ko at tinignan ang TV Screen "hmm oo nga noh"



"Gabi na masyado matulog na tayo" aya ko.



Tumango siya at tumayo sa pagkakapatong sakin, oo pumatong din siya, haha mahilig talaga pumatong.



I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now