Chapter 24 Problemado

14.2K 433 19
                                    

Dahil maulan sa labas at walang magawa magaupdate ako haha.

Enjoy reading wiz!!!!

-L.A.-


Lhyn's POV

"Bakit diyan ka nakaupo?!" masungit na tanong ni pms girl, nilingon ko siya, salubong na naman ang kilay niya mga beh,



"Dito upuan ko eh" tapos ngumiti ako na parang hindi affected sa kasungitan niya.



"Tayo! Doon ka sa tabi ko!" yun lang at tumalikod na siya naglakad papuntang upuan niya sa likod,




"Nagpapansinan na kayo ulit?" tanong ni trix, tumango lang ako at umayos ng upo "oh ano pang ginagawa natin dito? tayo na, dun na tayo sa likod baka mamatay na tayo sa sama nang tingin niya" napabuntong hininga nalang ako,



hay may magagawa pa ba ako? ang bossy talaga, partida ha hindi pa kami paano nalang kaya kung sakali man na maging kami na eh di mas malala pa dito.




Tumayo kaming dalawa at pumunta sa likuran,umupo ako sa tabi niya at tinignan siya pero nakatingin lang siya sa harapan at nakabusangot, tsk pms girl nga.




"Hey mich ko ngiti na, sige ka baka pag nagkaanak tayo maging ganyan ang mukha niya" mahinang saad ko sa may tenga niya.



Napalingon naman samin yung apat, narinig din ata nila haha.



"Oh my god! tama ba yung narinig namin?! tama ba?!" Gulat na tanong ni vivian.



Si mich naman namumula at parang nung kahapon lang na pinipigilan niyang ngumiti.



"Oh my god! Si samantha kinikilig! Oh my! Oh my!" parang kiti kiting saad ni vivian sabay pinalo palo si marco.



"Haha alam mo pala kiligin sam" si francis.



"Shut up!"



"Syet lang sam kayo na ba? Ang bilis naman ata? Kahapon nga lang nagseselos ka pa nang tudo tudo kay cindy eh,haha" si marco



"Ah ano hindi pa kami, uhm sa totoo lang nililigawan ko pa lang siya" nahihiyang sabat ko.



"What?! talaga? Nililigawan mo siya?" gulat na tanong sakin ni trix.



"Wahhhhh!" si vivian na naman na OA makareact, itong katabi ko sing pula na nang hinog na kamatis.



Tumingin siya sakin at hinila ako, isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko, "kainis ka naman eh, wag ka namang basta basta nalang nagpapakilig"



Natawa lang ako dun. Pagkaraan nang ilang minuto ay dumating na ang professor namin.

.
.
.
.
.

" uhm ano pwede ko ba kayong makausap na dalawa?" tanong ko kay chris at thony.



Tumingin sila nang nagtataka sakin,nandito ako ngayon sa may field at katatapos lang ng practice nila sa soccer.



"Oo naman, tungkol saan ba?" si chris.



"Uhm total mga lalake naman kayo at may naging girlfriend na kayo tatanungin ko lang sana kung ano paano mangli-ligaw" nakatungong tanong ko, nahihiya kasi ako eh, ang lakas ng loob kong sabihin na liligawan ko muna siya tapos di ko naman pala alam kung paano.



Natahimik sila kaya inangat ko ang ulo ko para tignan sila.


Nagkatinginan sila sabay tumawa nang pagkalakas lakas.


I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now