My new story

13.9K 413 134
                                    

Hi again guys haha, hindi to update, pero please pakibasa naman hehe. Ito yung bagong ginagawa kong story.

Let me know your opinions, kung itutuloy ko ba siya or what.

Thank You po!

-L.A.-

Daniella's POV

"Daniella anak gising na!"


Hmmmm, kay aga aga sumisigaw na naman si mama, anu ba yan hindi pa nga tumutunog yung alarm clock ko eh. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa orasan na nasa bedside table ko.

7:41 am


O_O


Kinusot kusot ko ang mga mata ko nang limang beses. Totoo nga! 7:41 na.


"Maaaaaaaa!!!!! Bakit di mo ako ginising late na ako!" sigaw ko habang mabilis na nagtatakbo papuntang banyo.


"Ginising na kita kanina pero ayaw mong magising!" narinig kong sigaw din ni mama pabalik.

Naman eh! 8:00 yung unang klase ko ngayon. Ugh!.



After 15 minutes nakapagbihis at ready na akong pumasok. Yung isang oras na ginugugol ko upang maghanda papasok ng school nabawasan ng 45 minutes, ang galing ko, new record! hahaha.


"Ma pasok na ako! Bye!"


Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya, mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at pinasibad ito.


Yung 10 minutes ulit dapat na biyahe papuntang school naging 5 minutes nalang, gumamit kasi ako ng alterantive route eh.



Tinignan ko ang wrist watch ko"Sh*t late na ako ng 5 minutes" wala na akong pakealam kong nasa school pa ako basta tinakbo ko na kung nasan ang room ko.



Hooh! Sana hindi na naman mag ala dragon si Prof. Sanchez, nakakatakot pa naman magalit yun.



Kumatok ako nang mahina sa pintuan at ilang saglit lang bumukas na ito at tumambad ang nakasimangot na mukha niya. Naku naman.



Binigyan ko siya ng ngiti na napakatamis, "good morning po Mrs. Sanchez and I'm sorry for being late"




"I let this pass this time Ms. Gonzaga for this is your first time being late but don't expect me to tolerate your tardiness again nextime,you understand?" tumango ako bilang sagot. "Sige na pumasok ka na"



Pumasok ako at naglakad sa upuan namin ng mga kaibigan ko.


"Hoy bakit ka nalate ha?! Inistalk mo na naman siya kagabi noh?" bungad agad sakin ni Jensen pagkaupo ko palang. Siya ang pinakabestfriend ko sa mga bestfriend ko haha, since bata pa lang kasi kami magbestfriend na kami, no secrets ang motto namin kaya hindi ko itatanggi sakanyang inistalk ko na naman ang social account ng crush ko kagabi, hihi.



"Oo,kilalang kilala mo talaga ako ha"



"Ui anong pinag uusapan niyo diyan ha? Share naman" si Mikaela, isa din sa mga kaibigan ko,


Si Jensen na ang sumagot para sakin, "as usual si love of her life na naman haha"



"Will you stop murmuring there at the back and listen to what I'm discussing!" Oopsie.



Tumahimik na kaming tatlo at nakinig nalang sa tinuturo niya.

_________________

"So may nalaman ka na naman bang bagong news sakanya kagabi?" si Jensen.


I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon