Chapter 15 Cute ako

13.7K 431 36
                                    

Lhyn's POV

A Week Later



Ugh!!! Sumasakit na talaga ang ulo ko sa dalawang yun palagi nalang silang nagtatalo kapag nagkikita sila at idagdag mo pa yung kulugong sulpot nang sulpot. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa tatlong yun,arghhh!




Nandito ako ngayon sa may field nung kaninang palabas kami ng room nakisabay ako sa mga kaklase kong nagsilabasan kasi alam kong nandun na naman si cindy at mag tatalo na naman sila, buti nga di sila nagkakasakitan eh.





Success naman ang paglayo ko kaso nga lang wala akong dalang pagkain, at gutom na gutom na ako, ayaw ko naman pumunta sa caf. siguradong nandun si kulugo na mahangin na feeling gwapo at lahat lahat na.




At pagnagkataon na magkakasama na naman sila baka magkaworld war 3 na, mahirap na.




Hayyyyy!




Humiga ako sa damuhan at pumikit, itutulog ko na lang tong gutom ko,nextime magdadala na ako ng sarili kong baon para walang problema.





Pero curious lang ako kung ano ba talaga ang dahilan ng alitan nung dalawa, ang sabi sakin ni trix at ni vivian about daw sa lalake, pero di naman idinitalye kaya hanggang ngayon bugos pa ako, pero di ba iisa palang ang ex ni Mich at si kulugo yun, so it means na siya ang pinag awayan nung dalawa? pero kung ganun nga bakit ganun na lang ang galit nilang dalawa kay kulugo sa tuwing nakikita nilang malapit siya sakin?





hmmhmm ewan, matutulog na nga lang ako sakit lang sa ulo a-




"I knew you're here" sabi nang malamyos na tinig




hindi ko binuksan ang mga mata ko dahil kilala ko naman na siya boses pa lang.




Sana naman hindi na sumunod yung isa kundi baka hindi nalang sumakit ang ulo ko kundi baka mahiwalay na to.

Pinakiramdaman ko lang siya,umupo siya sa may gilid ng ulo ko at inangat ito tapos ipinatong niya sa may lap niya. "Alam kong hindi ka tulog Deni, kumain ka na muna para hindi ka gutumin sa klase mamaya" sweet niyang sabi kaya binuksan ko na ang mga mata ko at tumambad sakin ang maganda niyang mukha na nakangiti.




"tapos na kayong mag away?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.




"I'm so sorry for that, nadadamay ka pa tuloy sa galit niya sakin" sabi niya habang hinahaplos ang mahaba kong buhok.




Galit niya? so hindi siya galit kay cindy kundi si cindy lang ang may galit sakanya ganun??




"Ha? akala ko ba galit kayo sa isa't isa dahil sa iisang lalake?" nagtatakang tanong ko.




"Haha silly that's not true, hindi ako galit sakanya, well ngayon oo na kasi inaagaw ka niya sakin"




"Inaagaw ka diyan eh hanggang ngayon nga hindi mo pa rin sinasabi na magkaibigan na tayo"




"Eh sa ayaw ko bakit ba?!"asan nagsusungit na naman nang dahil dun,




bwisit to! tumahimik na lang ako at pumikit."gusto mong malaman kung bakit galit siya sakin hmm?" tumango lang ako, ang sarap sa pakiramdam ng mga haplos niya sa buhok ko, yung isa namang kamay niya nakahawak sa isang kamay ko na nakapatong sa tyan ko. " Ang sabi niya mang aagaw daw ako" napamulat ako nang mabilis dun at tumingin sakanya pero siya nakangiti lang, "Actually mas nauna niyang nakilala si franco, first year highschool palang sila magkakilala na sila, ako naman nakilala ko lang siya 2 years ago nung nagdesisyon sina daddy at mommy na dito nalang ako pag aralin. Magkaibigan na sila cindy at franco noon, pero ang hindi alam ni franco gusto siya ni cindy, good boy pa lang kasi siya noon kaya siguro nahulog ang loob niya sakanya, then pumasok ako sa istorya at ang ganap na inlove sakin si franco at yun ang ikinagalit sakin ni cindy, hindi ko naman kasalanan  na ang ganda ganda ko kaya nainlove sakin yung lalakeng yun. At mas lalo pa siyang nagalit nung sinagot ko si franco na dahilan nang pagkasira ng pagkakaibigan nilang dalawa the end"




I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon