Naglalakad, naghahanap, tatakbo, patungo sa aking pinapangarap—ang pangarap na makapiling ka, mayakap, masandalan, at malapitan sa munting
sandali kung mapagbibigyan;Lalapit, kakalabitin, at ika'y kakausapin sa munting panandalian ng oras. Susulitin, at di malilimutang pagkukulitan; Ngingiti, mamahalin ang panandaliang oras.
Ngunit, may kapalit rin pala ang munting kasiyahan;
sasampalin ka rin pala ng realidad at katotohanan na 'hindi pwede.'kaya tatakbo, lalayo, o kaya'y magtatago nalang ako dahil masakit pala na makita kang may kasamang iba.
Kaso, nahihirapan ako kung lalaban pa 'ba.
kung ako'y papalapitin mo pa o kaya ako'y kusang lalayo nalang.ano nga ba?
- aki
BINABASA MO ANG
Words Left Unsaid
Poetry#1 Crazy minds, twisted stories, broken hearts and crying souls; craved for poems to be read and told ; (6/11/18) ❤ #2 (03/18/18) ❤ #5 (12/8/19)