Paraya (Spoken Word Poetry)

4.3K 66 0
                                    

( I know this is an unspoken word book but I just want to place the spoken word poetry that I wrote. So.. yeah. peace out.)

'Paraya'

Muli nating balikan ang nakaraan. Ibalik natin ang nakaraan nung pwede pa kitang yakapin at halikan nung buo pa ang aking puso't isipan na hindi mo ko kayang iwan. Na kung saan ang mga letrato'y masasaya dahil sa relasyon nating iniingat ingatan.

Ngunit nagbago na nga ang lahat. Nagbago na ang pagmamahalang pagmamahal sayo ay di sapat. Kung saan ang isipa'y nadumog na ng lamat at ang puso'y naiwang sugat sugat.
Kung saan sa bawat paglubog ng araw at pagsilang ng gabi'y nagbabago ang lahat.

"Ayoko na." Dalawang salita na dumurog sa aking puso na umiiyak sa bawat hapdi ng iyong mga salita. Mga salitang humiwa sa ating pagsasama kung saan ang ikaw at ako'y tapos na. "Ayoko na." Umuulit ulit sa aking isipan na bakit mo ba ko binitawan. Ano nga ba ang dahilan kung bakit mo ko iniwan. Ano nga ba ang pwede kong gawin at ika'y pwede ko pang pigilan.

Siguro nga tama sila. Tama sila marahil nasasaktan na tong puso ko na nagpapakatanga. Nagpapakatanga sa mga salitang iyong binitiwan simula sa 'mahal kita' at nag wakas sa 'ayoko na, hindi ko na kaya'.
kaya sige na, paalam na. Ikaw na ay aking pinaparaya.

Words Left UnsaidWhere stories live. Discover now