Track 16: Tell Me Why

60 4 4
                                    

Napatingin si Lexi sa mahigpit na paghawak ni Elmo sa kanyang kamay at walang katanggi tangging nag-uumapaw na kaligayahan ang nadarama niya sa bawat segundong dumadaan. Tila may dumadaloy ring kuryente sa mga ugat niya ngayon. Ganun man, ayaw niya itong bigyan ng kahit anumang kahulugan.

Nagtagpo ang kanilang mga mata nang biglang magsalita ito. Lalong humigpit ang pagkakapit nito sa kanyang kamay. "Let's leave now.", ani Elmo. Seryoso ang mukha nito. Anong meron? Kanina lamang ay nakangiti pa ito habang binabanggit ang mga liriko ng kanilang bagong awit. May nangyari bang hindi niya alam?

Wala siyang nasabi. Kusang sumasama ang katawan niya rito. Hindi rin niya alam kung bakit walang lumalabas na tunog mula sa kanyang bibig. Lumibot ang paningin niya at nakitang paakyat ng entablado ang kaparehang si Carl. Nakakuha rin ng kanyang atensyon si Jules na nakaupo sa kanan ni Vox ng Hi-flux. Sasama ba siya sa binata? Mayroong nakahandang intermission ang banda kasama ang Pop Enchantress para sa lahat ng mga dumalo. Hindi na ba nila ito panonoorin? Pero paano sina Jules at Carl? "Bahala na nga.", piping komento niya sa kanyang sarili.

Muntik nang mahirapang makatakas silang dalawa sapagkat maya't maya ang lumalapit na mga photographers para kunan sila ng larawan at mga interviewers para kapanayamin at tanungin sila sa kanilang unang paglabas sa sikat na Uytingco Artist Ball. Kahit siya'y hindi rin makapaniwalang kanyang naiuwi ang korona bilang reyna ng nasabing piging at ang kanyang hari'y ang kanyang iniidolong si Elmo Montenegro.

"Yes, we are very glad with the turnout of the party.", walang tigil ang pagsagot ng binata sa bawat katanungang ibinabato sa kanila. Natutulala siya sa angking kaguapuhan at katikasan nito at tila nanaginip pa siya sapagkat muli siyang napatingin sa magkahawak nilang mga kamay. Never in her dreams had she thought that whatever that is happening is really happening. "Of course. We are really hoping that the fans will love our album. And I bet they will.", siguradong dagdag pa ni Elmo, na lumingon sa kanyang direksyon at nagtamang muli ang kanilang mga mata. Bakit bigla siyang kinabahan? Kakaiba ang mga titig nito sa kanya.

Ngumiti na lamang siya rito at, "Yes, super excited po talaga kami sa paglabas ng album. We both worked hard for this at talagang buong puso po naming pinagtuunan ng pansin ang bawat musika at liriko ng mga tracks.", mariing tumango siya kay Elmo na nangungusap ang mga mata. Parang may gusto itong sabihin.

"We won't reveal yet when we're going to release, but it'll be soon.", nagmamadaling dugtong ng napakakisig na lalaki sa tabi niya. Ano bang problema?

"Opo, kung kailan, abangan nalang po natin. Salamat po.", pagtatapos niya.

"I'm sorry guys, but kindly excuse us. Thank you for all the questions.", marahang hinila siya ni Elmo sa kumpulan ng mga excited na mga tao. Buti na lamang at lumabas din mula sa pagdiriwang ang isa sa kilalang singer na si Lavinia na nasa likuran lamang pala nila. At least, nakatakas din sila dun. Nakakahilo ang mga ilaw mula sa mga camera at hindi niya rin malaman kung sino ba ang unang sasagutin sa mga makulit na nagtatanong.

* * * * *

Paunti na nang paunti ang mga tao kung nasaan sila at mapasahanggang ngayon ay magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Sabay silang napatingin dito at parang biglang nagkahiyaan kaya sabay rin nilang kinalas ang mga ito.

"Nasaan na ba tayo?", pag-aalalang tanong ni Lexi sa binata habang palingon lingon sa kayang paligid. Paano'y kung saan saang sulok sila lumusot kanina sa Hotel Monteclaro na tila parang nasa may service area na sila ngayon. Saan ba siya kasi talaga dadalhin ni Elmo?

"Relax Alexandra, di naman kita iwawala—," hindi ito nakatingin sa kanya at palinga linga ring parang nawawala tulad niya. "I can't remember where I par—", mahinahong sagot na parang may hinahanap. Masakit na rin kasi ang kanya mga paa sapagkat kanina pa sila paikot ikot. Natapat pang kung kailan siya nakaheels, saka naman siya pinaglakad nang pagkahaba haba nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing HarmonyWhere stories live. Discover now