Track 11: Jump Then Fall

101 8 38
                                    

"Hi Lexi.", nakangiting kumaway si Jules kay Lexi nang makita siya nito nang pumasok siya galing sa veranda. Napalingon sa kanyang direksyon si Macayla nang marinig ang pangalan niya at agad na sinenyasan siya ng dalagita para lumapit siya rito. Nginitian niya ito at nang makalapit na siya'y kumapit ang mainit nitong kamay sa braso niya. Nakatayo siya sa kaliwa nito at nagkalingunan sila ni Elmo na nasa kanan naman ni Macayla. He didn't show any reaction.

She beamed back to Jules and, "H-hi.", pagbati niya at naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ni Macayla sa kanyang pulso. Hindi niya nakikita ang reaksyon sa mukha ng dalagita, ganun man, hindi maganda ang pakiramdam niya lalo na't nanahimik ang lahat ng nasa kusina -- siya, si Elmo, si Jules at si Macayla.

Napaisip siya, na kung ibang pagkakataon lamang siguro ito, siguro'y nababaliw na siya sapagkat ang idolo niyang Runaway Bliss ay kasalukuyang magkasama sa iisang lugar na halos ga-metro lamang ang layo sa bawat isa. Naiimagine niya ang mga panahong nakikipagpatayan pa siya sa pila para makakuha ng mga concert tickets nito o para sa autographs ng dalawa, pero ngayong nasa harapan na niya ang mga ito'y ni hindi man lang niya maigalaw ang mga paa para lalo pang lumapit, at ang malala'y, tanging 'Hi' lamang ang nasabi niya. Wala na ba talaga ang pusong Blissers niya? Ano bang nangyari?

Napatingin silang apat sa sliding door na bumukas galing sa may veranda nang, "Jules, long time no see.", excited ang boses ng palapit na ama ng magkapatid na si Tio Manuel. Nakataas ang kamay nito habang naglalakad kung nasaan silang lahat. Parang isang reunion ang nagaganap.

Matuling lumakad si Jules palapit sa matanda at agad itong niyakap. Somehow, she felt a pang in her chest when she has to see this heart-breaking moment right in front her eyes. Daig pa nito ang 3D or iMax dahil hindi lang siya nasa front row seats, live niya pa itong nasasaksihan. Pakiramdam niya'y hindi siya dapat nandito. Bakit ba pumasok pa siya?

Napayuko siya nang pinisil ni Macayla ang kanyang pulso, "Mei Lexi, let's get something to drink then let's play Poker again.", ang mga mata nito'y nangungusap sa kanya, na sinundan ng isang matamis na ngiti. Kahit paano'y ang sakit na kasalukuyang nararamdaman ay unti unting nababawasan. Salamat kay Macayla.

"Of course.", she replied, gently combing Macayla's hair with her fingers.

Macayla grinned, "Dapat maka 2 points ka sa next game, talunin mo ulit si Sei, ha?", her innocent eyes made her aching heart sank. She was deeply touched with what she has said and a small part in her made her feel that she belonged here.

Suddenly, three pairs of eyes were already observing them and she felt a bit anxious.

"Wow talaga?", Jules said, slowly kneeling in front of Macayla as she held her hand. "Did I hear it correctly, Cayla? You're playing Poker again?", muling tumingin si Jules sa tumatangong si Tio Manuel. Ibinalik ng dalaga ang tingin sa kausap. Nanigas lamang si Lexi sa kanyang kinatatayuan nang mapagtantong sa kanya nakatingin si Elmo.

"Uh-huh.", matigas na sagot ni Macayla. Nagbago ang tono ng boses ng dalagita. Nalipat din ang tingin nito sa dalagang nakaluhod at dahan dahang binitawan ang nakahawak na kamay sa kanya at ikinagulat niya nang ang parehong mga kamay nito ay nakakapit na sa kanyang kamay. The girl even intertwined her fingers into hers.

Hindi niya alam kung ano ang dapat na maging reaksyon nang magtama ulit ang mga mata nila ng binatang akala mo'y nagpopoker pa rin at hanggang ngayon ay wala pa ring kahit anong reaksyon sa mukha. Sa katunayan, ni hindi pa rin ito nagsasalita.

Mabilis na inikot ni Macayla ang wheelchair na tila sanay na sanay na ito at hinigit ang kanyang pulso, "Mei Lexi, let's get some orange juice and tarts sa kitchen. We made a lot, right?", nakatalikod na si Macayla sa kanilang lahat.

Chasing HarmonyWhere stories live. Discover now