Track 12: I'm Only Me When I'm With You

99 8 33
                                    

Napakamot ng ulo si Elmo nang hindi niya malaman kung gigilid ba siya sa kanyang kanan o sa kaliwa. Paano'y kapag pupunta siya sa kanyang kanan ay andun din si Alexandra, kapag sa kabila nama'y ganun din.

Pumangalawa.

Tapos, pumangatlo pa.

Nagkasabay silang tumigil magkaharapan sa pintuan sa ikaapat na pagkakataon. Umatras ang dalaga't ganun din siya.

"Uh... Papasok ka ba?", pagbasag na ng babaeng tila nalilito na rin sa kasalukuyang nangyayari.

"Nah? I mean, y-yes?", litong sagot niya. "I thought this was my room. I didn't mean to... uh... yeah."

Ano?

Nakatitig lang sa kanya ang tila naguguluhan na ring babaeng kitang kita sa pagkakapinta ng kanyang mukha.

Napatingin na lamang siya sa kanyang wristwatch at nakitang 1:43am na pala ng madaling araw. Tumabi siya agad at hinayaan nang lumabas ang dalagang hindi na rin nagsalita.

What the hell did just happen? No then yes?, gulung gulong tanong ng utak niya. Napakamot ulit siya ng ulo.

Nalukot ang mukha niya at naipamulsa na lamang ang dalawang kamay. Naiwan siyang nakatayo roon at napansing bumukas ang ilaw sa may kusina.

Napaisip siya, bakit gising pa si Alexandra? Inantay kaya siya nito? Imposible naman din dahil bakit naman mananatiling gising si Alexandra hanggang ngayong oras para lamang hintayin siya, hindi ba? Napanguso siya sa mga naiisip.

At para malaman ang kasagutan sa kanyang tanong ay sinundan niya ito sa kusina, saktong nagugutom na rin naman siya at hindi niya rin natikman ang blueberry cheesecake na ginawa ng kapatid kanina.

Tahimik siyang naglakad patungo kung nasaan ang dalaga. Ang parehong kamay ay nasa loob pa rin ng kanyang bulsa.

"Hey.", bungad niya nang mapahawak si Alexandra sa kanyang dibdib. Nagulat ata sa kanya.

"Anak ng kabayo!", magkasalubong ang mga kilay nitong lumingon sa kanya. "Nagulat naman ako sa'yo."

"Oh, apologies.", dahan dahan siyang sumandal sa may island counter na nasa kabilang banda kung nasaan si Alexandra – magkatapatan sila.

"Why are you still awake?"

"Bakit gising ka pa?", nagkasabay sila.

"Did you wait for me?", itinanong na niya ang kanyang pakay.

"Oo. Sabi mo kasi babalik ka."

"I see. Next time, just sleep. 'Kays? I always keep my promise.", hindi niya inasahang inantay pala siya nito.

Ngumiti lamang ang dalaga habang humihiwa sa cake na gusto niyang matikman. Napangiti na rin siya nang alukin siya nito, "Gusto mo?", habang inilalapit ang isang hiwang nakalagay sa kutsarita.

Tumango siya bilang pagsagot.

Mas inilapit pa nito ang kutsarita sa kanyang bibig kaya reflex na lamang niya ang pagnganga at isinubo ito sa kanya.

Chasing HarmonyWhere stories live. Discover now