Track 5: Change

107 7 9
                                    

Naglahong parang bula ang ngiti sa mukha ni Charles nang makita ang tubig na sumambulat sa mukha ng dalagang pinagmamasdan -- basang basa si Lexi. Paakyat na siya ng stage nang biglang mawala sa kanyang paningin ang babae. "Where did she go?", palingon lingon siya sa paligid, umaasang mahahagip ng mga mata ang hinahanap.

Paano'y sinakop ang harapan ng entablado ng mga nagkakagulong reporters at journalists na malamang ay excited dahil mayroon silang nakuhang mainit init na scoop sa launch ng bagong duo.

Ganun man, hindi nakalampas sa paningin niya kung paano hinarang ni Elmo ang sarili sa masigasig na mga taong pumapalibot kay Jules para usisain ng mga tanong tungkol sa walang pasabing pagbabalik ng binata sa industriya. But, this was the least of all his concerns.

Agad siyang lumabas ng silid at napagbuntuan ng galit at inis ang unang guwardiyang nakita niya, "Sino nagpapasok sa fan na 'yun kanina?", bulyaw niya. Kung hindi lang dahil sa ingay sa auditorium ay malamang boses lamang niya ang naririnig. Hanggang ngayon, nagrereplay pa rin sa utak niya ang magkahalong takot at gulat na reaksyon ng dalagang talaga namang dumurog sa puso niya.

Nakatitig lang sa kanya ang nanginginig na matandang lalaki't wala na rin naman siyang magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Hindi na rin naman niya 'yun mababago.

Yumuko lamang ang guwardiya sa kanya't walang tigil na humihingi ng paumanhin. Kaya, tinapik na lamang niya ang likod nito at humingi ng pasensya rito sapagkat biglang nag-init ang ulo niya. Wala naman itong kasalanan sa kanya. At, nakakasiguro siyang hindi rin kagustuhan ng matanda ang naganap kay Lexi kanina sa stage.

Labis na nag-aalala siya sa dalaga. "Where are you, Lexi?", bulong niya sa sarili habang naglalakad palabas ng auditorium.

* * * * *

Tulala pa rin si Lexi at labis na nabigla sa nangyari kanina sa stage. Kasalukuyan siyang nasa rooftop ng UWT at gusto niyang mapag-isa.

Walang tigil ang pagtunog ng telepono niya sapagkat andaming mga tawag at mensahe siyang nakuha mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan at lahat siguro ng mga taong malapit sa kanya, na nakakita at nakapanood sa insidente. Agad niya itong nilagay sa silent mode. Lalo lamang siyang naaawa sa sarili.

Masasabi niyang ito ang unang pagkakataong napahiya siya nang ganun katindi sa harap ng napakaraming tao. Tila naririnig niya pa rin ang sinabi sa kanya ng tagahangang bumuhos sa kanya ng tubig. Paulit ulit itong nagpeplay sa utak niya't napapapikit na siya sa sakit ng ulo. Ayaw nitong maalis kahit ilang beses na niyang inutusan ang utak niya para gawin ito. Walang epek.

"You can never replace Jules. Hindi ka bagay na maging ka duo ni Elmo!" 

Kung tutuusin, mas pipiliin niya pa kung pumiyok nalang sana siya o nagkamali sa lyrics kanina habang inaawit ang magdamag na inensayo niyang piyesa ng Runaway Bliss na gagawan nila ni Elmo ng remake. E kaso hindi. Sinabuyan siya ng isang litrong mineral water, sa kanyang mukha, sa harap ng maraming tao, yung televised pa sa buong Hyam.

Hindi niya malaman kung saan nanggaling ang galit at inis sa kanya ng babae para sabihin sa kanya 'yun. Unang una, hindi naman niya kagustuhang palitan ang posisyon ni Jules. Hindi niya ito ipinilit kay Elmo. Ang binata mismo ang nagsabi sa kanyang gusto siya nitong maging kapareha. Panagalawa, hindi niya intensyong agawin ang kung anuman ang meron kina Jules at Elmo dahil gaya ng fan na 'yun, tagahanga rin siya ng Runaway Bliss. At panghuli, kung binigyan lamang din siya ng choice ng binata, hindi niya tatanggapin ang alok na 'yun at malamang walang naganap na launch ng pesteng Chasing Harmony na duo na 'yan dahil kung alam lamang ng fan na 'yun, halos hindi niya alam kung paano tatanggihan ang desisyon ng binata't hindi man lamang siya nakonsulta.

Chasing HarmonyWhere stories live. Discover now