Track 9: Cold As You

77 7 18
                                    

"Ako, Lexi, diretsuhin mo nga ako.", paunang bati kay Lexi ng best friend na si Cams pagkaupo niya sa high chair na nasa may stage ng Bistro Millennial. "Sinong puminta sa mukha mo? Si Leonardo da Vinci?", lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang baba at iniharap sa kanya.

Ilang linggo na rin siyang hindi nakakabalik at nakakadalaw sa bar gawa ng kanyang hectic na schedule. Paano'y sunud sunod ang naganap na mga gigs at shows nila ni Elmo at talaga namang nawalan na siya ng time para sa sarili bukod na lamang kung maliligo, kakain at matutulog siya.

Ni hindi na nga rin niya magawa ang mga dati niyang nagagawa sa publiko gawa nang maaari siyang pagkaguluhan sa labas. Kaya naman, kahit ang pagdalaw niya kay Cams ay kailangang nakaschedule. Sa katunayan, napag-usapan nila ni Elmo na pwede namang lumabas at magbreak siya paminsan minsan pero kailangan niya itong ipaalam para hindi magconflict sa mga pre-scheduled tours, guestings at shows nila. Ganun din ang binata sa kanya. Para saan pa't sinabi nilang "We are the CH.", kung may kanya kanya silang gagawin.

Napag-usapan nilang hindi naman to a point na bf-gf level ang pagpapaalaman nila pero sapat na ang alam nila kung nasaan ang bawat isa. Walang lihim at respeto na lamang bilang magkapartner sa banda.

"Grabe, bawal na ba dalawin ang bessie ko?", paglalambing niya, hindi niya inialis ang baba sa pagkakahawak ng kaibigan sa kanyang pagsasalita.

Tinitigan lamang siya nito at tila naghihintay ng sagot mula sa kanya. Pero, tinitigan lamang din niya ito pabalik.

Totoo namang gusto lang niya itong dalawin. Hindi naman kailangan ng dahilan, 'di ba? Napabitaw ito sa kanyang baba at naglakad palayo sa kanya. "Sabi mo eh.", sarkastikong banat nito.

Okay.

Hindi niya talaga maloloko si Cams. Kilala siya ng matalik na kaibigan at alam nito kapag may importanteng bagay siyang kailangan ilabas -- masaya man ito o malungkot, nakakainis man o nakakatawa. Gawa nang malayo siya sa pamilya'y, ito ang madalas na kauna unahang taong mapagsasabihan at mapagkakatiwalaan niya, kahit ang simpleng pag retweet pa ni Elmo ng kanyang tweet.

Naka dalawang hakbang na ito nang sumuko na rin siya sa pagdedeny, "Si Dylan kasi..."

Nakita niya ang mabilis na pagtalikod ni Cams sa direksyon kung nasaan siya. Walang ekspresyon ang mukha nito. Daig pa ang Poker Face ni Lady Gaga. Hindi niya tuloy alam kung inis ba ito o kung anuman. Pero, expected na rin niya ito dahil alam niya kung gaano katindi ang galit nito sa dati niyang nobyo. "Bakit, ano na namang kalokohan ang ipinangako sa'yo?", inis na tanong nito. Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay nito.

"Cams naman. Hindi naman ganun kasama si Dy--"

Tuluyan siya nitong tinalikuran at bumaba na sa stage, "Hindi ganun kasama? Sa'yo talaga nanggagaling 'yan, Lexi?"

Hindi siya nakakibo. Pinapanood lamang niya ang kaibigang naglalakad palayo sa kanya.

"Yan, yan... Diyan ka dinadala ng pagmamahal na 'yan, Lexi eh.", lumingon itong muli sa kanya nang makapasok sa bar, "Ilang beses ko bang kailangang ipasok sa utak mong hindi ka niyan minahal?", sa bagay, totoo naman ang sinabi nito pero hindi niya malaman kung anong meron dito at labis na hindi niya ito makalimutan. Na kahit isang taon na rin ang dumaan ay parang kahapon lamang sila tuluyang naghiwalay. Mapahanggang ngayon, tila hindi pa rin naghihilom ang sugat.

Hindi siya nagsalita. Napahawak lamang siya sa mikropono.

Naramdaman niyang nakatitig ito sa kanya, "Alam mo bang gabi gabi 'yun andito, at gabi gabi rin, iba't ibang babae ang dala dala. Ewan ko ba sa'yo at...", pinutol niya si Cams sa paglilitanya.

Chasing HarmonyWhere stories live. Discover now