Twenty Six

19.9K 372 34
                                    

NOTE: Naedit ko na 'yung Chapter 25. Hahaha. Sorry ang dami pala ng typo error. May hinahabol aksi akong oras kahapon eh. Anyway, show your support guys :*

* Reggo *

" Hanapin mo ako. " bulong ko ng mahina sa sarili ko.

Nandito ako ngayon sa likod ng isang malaking estante sa third floor ng mall na pinuntahan namin ni Gray. Remember? Iniwan ko siya doon sa first floor dahil doon sa mga kawalang hiyaan niya? And then he followed me. Ako naman, ewan ko kung anong naisip ko at pinaglaruan ko 'yung tao. Halos lahat yata ng sulok ng mall na ito ay napuntahan na namin. Siguro ay restroom na lamang para sa mga babae ang hindi ko napupuntaha. Lol. Grabe na 'yun. Pero seryoso, ang weird nito ha. Maglalaro lang pala kami, dumayo pa kami sa mall.

Kasalukuyan siyang minamanmanan ng mga mata ko. Inoobserbahan ko bawat kilos niya. Bawat lingon niya. Bawat hakbang niya. Nakikita ko siya mula rito sa kinatatayuan ko. Nakakatuwa kasi siyang pagmasadan habang hinahanap ako. Para siyang bata. Bata na hinahanap 'yung nawawala niyang tuta. Tapos kakamot sa batok. Ang cute lang ♥////♥ Kaya naman hindi magkamayaw 'yung mga sales lady sa pagpapapansin sa kanya -_- 

Maya-maya pa ay napatingin ako sa cellphone ko at tiningnan ko kung sino 'yung nagtext. Geez.Si Jam lang pala, nageemote. Hmm. May bago talaga dun sa dalwang 'yun eh. Lately kasi, aside sa palagi silang magkasama which is a normal thing, napapansin kong nag-aayos na din si Jam. Hindi na siya nagcacap. Palagi na siyang nakapusod. One time napansin ko nga sa bag niya, may pulbos pa siyang dala which is not a normal thing for a lesbian... unless, magiging babae na siya ulit. At ito namang si Jed, mas lalong nagiging protective 'pag dating kay Jam. Palaging hinahatid pauwi. Palaging inaaya paglabas. Palaging inaalala. Hmm. Good sign 'yan ^_^

Nang muli kong ituon 'yung mata ko kung saan ko huling nakita si Gray, nagulat na lang ako dahil walang bakas ni Gray ang inabutan ko. Kahit anino niya, hindi ko na makita. Napaayos naman ako ng tayo at nagpalinga-linga. Hala? Saan kaya nagpunta 'yun? Hahakbang na sana ako papalabas sa pinagtataguan ko ng biglang may nagtakip sa bibig ko at hinila ako paatras dahilan para mapasandal kami sa pader. 

" Huli ka! " that voice. Alam ko na kung sino siya. -.- 

" Aish. Ang galing mo naman. Paano mo nalamang nandito ako? " tanong ko.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon