Chapter 18 part 1

90.7K 1K 183
                                    

Date uploaded : April 22, 2014

Chapter 18 Part 1

Annabelle

I hate you Vince! Sinira mo ang diskarte ko! And Alex.... I HATE YOU MORE! I had it under control. Alam ko na ang weakness ni Charles, he doesn't leave any damsels in distress. For the past couple of days, I used that tactic to lure him. He is so attentive and so helpful, napaka talino at napaka gentleman pa. Lahat na ata nasa kanya! He is absolutely perfect! Mas lalo talaga akong na-in love sa kanya. And I will do everything to get him. Hindi pwedeng sirain ni Alex ang pinaghirapan ko. Nagiging malapit na nga kami, sumingit singit pa itong Vince na 'to! Iniwan ko na lang sya at bumalik na sa cabin. Nawalan na rin ako ng ganang kumain.

Ano ba ang problema ni Charles! At ano ba talaga ang nakita nya sa Alex na ‘yon! Ilang beses na syang napahamak ng dahil sa babaeng iyon, pero patuloy pa rin nyang hinahabol! It’s just so frustrating!

Hmmmm. Pero may ilang araw din kami sa Singapore. Walang Alex na makaka-distract sa amin. And I will do everything to make him mine before we go back to the Philippines.

Pumasok ako sa cabin at nakaupo sa salas si Zia. I plastered my fake smile.

"Hey Z."

" Hi Belle. You didn't make it to dinner. Masyado bang mabigat yung project na ginagawa mo? Kamusta, natapos nyo na ba?"

" Malapit na. Mabuti na lang at nandyan si Charles. Kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko. Nagkaroon ba naman ng aberya yung files ko. Good thing that Charles is there to the rescue! "

Umupo ako sa tabi nya.

"Charles is just sooooo sweet."

"Hmmmmm.... Siguro. More like overprotective. "

"Siguro para sa yo. But for me..... Well..... " tinignan ko sya ng makahulugan.

Then she looked at me curiously.

" Is there something going on between the two of you?"

I fake my surprise.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko sa kanya.

"Ummmmm... Wala naman. There's this gleam in your eyes..... Do you like him?"

Pinalaki ko ang mata ko na kunwari ay nagulat ako.

"Ummmmmm..... Well.... "

"Well?"

“O sige na nga aaminin ko na." Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kisame. "Gosh Zia! I really like him!"

Hindi sya kumibo. Tinignan nya lang ako, parang nagiisip.

" Sorry a, sa 'yo ako nag-co-confide. I know this is awkward. With you, being his twin and all that. Wala lang kasi akong mapagsabihan. Hindi ko na talaga kayang itago. Napagkasunduan pa naman namin ni Charles na wag munang sasabihin kahit----" sinadya kong ihinto ang sasabihin ko at tinignan muli si Zia na gulat na gulat.

"Oh no! Me and my big mouth!"

"You mean to say... You and Charles? But how could that be?"

" Hindi pa naman talaga kami. But you know that kind of mutual feeling na parang kayo na ring dalawa. Pero we have dicided not tell anybody about this 'so-called us'. Masyado pang complicated. And there's Alex...."

Nakita ko sa mata ni Zia na parang naguguluhan sya.

"Akala kasi namin, may gusto si Alex kay Charles. Pero...... Mali ata ang inakala namin. "

"FIRST BASE" : FALCON UNIVERSITY Season 2  COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon