Chapter 1: Spin The Bottle; The Truth

355 6 0
                                    

"Look who's here, ang dakilang late sa ating lahat."

Lakas mang-asar talaga 'tong si Lester  kahit kelan. Sinamaan ko siya ng tingin at upo sa tabi ni Seth.

Andito kami sa isang bar para magpalipas ng oras daming gawain sa school so its time for us to feel relax for once.

We're enjoying the ambiance of the place with random remix songs and the noise that occurs. At higit sa lahat daming chix na pwedeng i-flirt pero sympre good boy ako.

"Papasok nanaman tayo mga tol, tara cutting." Sabi ni JC.

Kilala naman ito sa hindi pagpasok at pagiging maloko talaga

"Masaya ata yun. G ako." Dagdag ni Katsumi.
Kapag pinagsama nga naman ang magtandeem.

"Daniel, ano? Tulala? Move on pre." Sabi ni Seth na talagang nakakuha ng attention ko.

Bakit ba laging move on sinasabi nila?

Hirap kaya lalo't mahal mo pa yung ex mo. Kinuha ko yung isang baso ng beer at one shot kong kilunok yung laman.

"Alak ang sagot sa lahat pero ikaw din sasagot."

Ano nanaman bang pumasok sa kokorte ni Seth? Napa iling na lang ako at ngiti ngiti para hindi halata na affected ako.

"Wag na tayo pumasok bukas panigurado may hang over tayo."

Sabi ko at lahat sila tinignan lang ako sabay tawa. Minsan talaga hindi mo din maintindihan utak nila nakaka loko din.

"Is that you bro? Ikaw nga pinaka busy sa pag-aaral."

Sabi ni Katsumi na tawa pa ng tawa. Wala namang masama kung minsan lang sa kalokohan.

Ni-enjoy na lang namin yung lugar since its a bar laging alak ang nagbibigay saya. We drink more than five bottles and we're tipsy.

To give another level of excitement, Marco instructed us to play spin the bottle. Medyo masama kutob ko dito.

****

Inikot na ang bote at lahat kami nagpapakiramdaman hanggang sa akin natapat ang bote. Kapag sineswerte ka nga naman ngayon.

"Tag- isang tanong pero sabay sabay ko sasagutin." Sabi ko na parang kampante pero kinakabahan ako.

Nakatinginan silang lahat at may kutob ako sa iisa lang itatanong nila kaya sumandal ako at upo ng maayos.

"Mahal mo pa ba siya? Bakit hindi ka pa magmahal ng iba?"

Si JC ang nagtanong at lahat sila naka tingin lang sakin.

Huminga ako ng malalim at nagsimula sumagot at nauwi sa kwentuhan kung bakit hindi pa ako nagmamahal ng iba.

*****Flash Back****

Gabi noon galing akong school at maraming nangyari sa akin na halos pakiramdam ko ako lang mag-isa at walang nakakaintindi.

Buong gabi ako nakatulala sa mga sabay  sabay na langit at lupa na parang bagyong dumaan sa akin.

Nagvibrate cellphone ko si Kathryn yung nagtext.

From: Kath
"Can we talk?"

To: Kath
"Sure."

Kath Calling
Answer|Decline

Sinagot ko yung tawag at marinig ko pa lang boses niya, buhay na buhay na ako nagkaroon na ako ng kulay. But, I didn't expect that she asked for a break up.

Hindi na ako nakapagpigil, tumulo na mga luha ko habang kausap ko siya. Bakit ngayon pa? Akala ko andyan siya para makapitan ko sa mga oras na 'to pero mawawala pa siya akin.

"A-anong rason?" Sabi ko. Gusto ko lang malaman yung rason kahit alam ko sobra akong masasaktan.

"I am choosing my friends over you." Yan ang sagot niya na mas napatigil ako pati ang mundo ko.

Ayaw ko siya bitawan at ayaw ko siyang mawala kase iba siya sa mga naka relasyon ko. Halos magmakaawa ako na wag niya akong iwan pero sa huli ako din mag-isa.

Why do you have to choose between me and your friends? Is this how you let me go? I'll promise not to let my feelings down and I shall wait for you Kathryn.

*****End of Flash Back*****

Lahat sila nakatingin sa akin nang seryoso at ni isa walang balak magsalita at sana nga wala na.

"Uwi na tayo."

Nag aya na ako baka kung saan pa mauwi ang spin the bottle baka pati buhay ko alam na nila kahit alam naman nila ang lahat.

"Ikaw pa rin yung kumakapit pre?" Tanong ni Seth at napatahimik na lang ako sa kinauupuan ko.

Ako nga pa rin ba? Oo siguro, umaasa ako sa magiging kami pa ulit.

"ANG PAG-IBIG AY MASAYA NGUNIT MASAKIT~"

Kumanta ang lasing na si Lester kaya siniko siya ni Katsumi sa braso pero hindi nagpatinag ang loko.

"Mahal mo ako diba? Sweet--"

Bago pa ulit matapos magsalita si Lester, binato siya ni JC ng ice cube at napatahimik.

Tumawa na lang kaming lahat at nagsitayuan at kanyang kanyang uwi.

Mga lasing na rin at bahala na kung magsisipasukan kaming lahat o magcucutt nanaman.

*****Daniel's POV*****

Nakauwi na ako sa condo at may tama ako kaya daresto ako sa banyo at ginawa ang dapat.

Hindi ko alam kung bakit ako naglasing ng ganoon kalala wala naman akong poblema.

"Ikaw pa rin yung kumakapit pre?" That statement repeats over and over again.

My heart hurts that much but I have to manage my consequences.

****** Parking 5 POV*****

Sabay sabay kami umuwi nila JC, Lester, katsumi at sympre ang pinaka gwapo sa lahat ako si Seth.

Gagaling nang mga 'to kung makaasta akala mo lasing talaga.

"Nahuli na si Daniel." Sabi ni Kastumi na patawa tawa pa. Oo, alam namin na si Kathryn pa rin mahal noon at hindi yun magbabago.

"Uso pala yun? Pilian?" dagdag pa ni JC sabay akbay kay Lester na akala mo sila.

"Nakaka lalaki kana pre." Banat ni JC at tinanggal ang pagkaka akbay ng kamay.

"Gawaan natin ng paraan para magmahal ang hanggal natin na kaibigan." Sabi ko. At lahat sila sumang ayon sa gagawin naming Operation love X.





Love Finds A Way (On going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora