Chapter 30 (Love Is Patient)

482 11 10
                                    

 

 

(MEL’s POV)

 

 

“Hi.” Tipid kong batik ay Ernesto nang magkasalubong kami sa hagdan. Ang awkward naming paheras, ni hindi kami nagtitinginan Kapwa nakayuko, at ilag na ilag sa isa-isa.

“Hello.” Sagot nito.

Mabilis ko itong nilagpasan. Ngunit maagap nitong nakabig ang braso ko. Nagkatitigan kami.

I gave him a fake smile.

Saludo na talaga ako sa sarili ko, napaka-plastik ko kasi, eh. Naitago pa ng mga ngiting iyon ang mga sakit at luha ko.

Apat na araw na ang nakakalipas mula ng kausapin ang ko ng mga magulang ko tungkol sa “off-engagement” namin ni Ernesto, halos buong araw at gabi ko iyong iniyakan, ilang araw na rin akong hindi pumapasok ng klase.

At ngayon lang ulit ako naglakas ng loob lumabas ng kwarto ko, dahil nag-text ang MARS at sinabing may Mid-term exam kami kaya, kahit na hindi ko pa talaga kayang pumasok ng klase ay papasok parin ako.

Ilang tissue box na baa ng na-ubos ko?

Ilang balde na ba ng luha ang naibuhos ko?

Parang ang useless naman, kasi yung pain andito parin sa puso ko.

“Bakit?” Walang kakurap-kurap na wika ko.

“Let’s talk…  privately.”  Wika nito.

“Ma-le-late na tayo sa klase, pwedeng after class na lang.” kasi hindi pa kaya ng puso at isip kong kausapin ka.

“S-sige.” Sagot nito.

Habang nasa klase, I mean exam pala. Ayon, medyo tulaley. Paano ako titingin ng tuwid kung siya ang anasa harapan ko.

Hinulaan ko agad ang exam nang maka-alis na. Makapag-isip isip.

Tumayo agad ako at ipinasa ang paper sa professor.

Mabilis akong tumakbo patungo sa rooftop.

Doon ko binuhos ulit ang lahat ng sakit na kanina ko pang-itinatago.

True Love? Ito ba iyon? Bakit ganitong kasakit? Bakit kailangan pang mangyari ito? BAkit parang hadlang ang lahat sa amin?

Oh! My Bodyguard (MARS Series #3)Where stories live. Discover now