Chapter 28 (Love Is)

521 11 5
                                    


(MEL’s POV)

 

Kinabukasan ay may pasok na naman, kay bilis ng araw. But, until now di parin kami nag-uusap ni Ernesto. Iniiwasan ko kasi ito. Talaga lang na nasaktan ako sa nangyari. Parang until now, andoon parin yung pain, bakit ganoon? Sino ba kasi ang babaeng iyon?

“Hija…” Wika ng malambing na boses mula salikuran ko.

Naka-upo kasi ako sa bench sa pool side ng mansion. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang nagliliparang paru-paru sa hardin ng aking mama. Nang tignan ko ito ay ngumiti lang akong pilit dito.

 Umupo ito sa tabi ko.

“May problema ba?” Tanong ng kanyang mama.

“W-wala po.”

“Di ka naming pinalaking sinungaling, anong problema?” Tanong nito.

Grabe ganyan siya ka-sensitive. Ganoon na ba akong ka-obvious?

“Nag-away ba kayo?” Tanong nito.

Wow, alam niya agad kung sino ah!

“Hindi po kami nag-away, Mom.” Sagot ko.

“Ano bang nangyari? Bakit ilang araw ka nang nagmumok-mok dito sa loob ng bahay?” Nag-aalalang tanong nito.

Agad ko namang iniwas ang mga mata dito. Tumingin ako sa kawalan. Hindi nga kami nag-away pero heto ako’t nag-mumukmok mag-isa dahil lang sa

“Bad ba ako, Mom?” Tanong ko rito. Bigla naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

“Bakit mo na tanong?” Tanong ulit nito.

“Parang bumabalik na kasi ang karma sa akin, eh.” Sagot ko.

“A-anong i-ibig mong sabihin?” Na-uutal na wika nito sa kanya.

“You know I’ve been a bad girl before. Kung sino-sino ang dini-date ko. Kung sino-sino ang lalaking kasama ko. Now, I’ve learned my lesson. Dati, sila ang sinasaktan ko, dati sila ang ginagago ko.. pero noong maranasan akong umibig ng totoo, nagbago ang lahat na iyon… ngayon sobra akong nasasaktan makita ko lang na may kasama siya iba! BAkit ganoon?” Wika ko.

Pilit kong ‘wag umiyak pero hindi ko pala kayang pigilan ang bagay na iyon. Na-iyak ako bigla.

Mom quickly hug me.

“Sorry for being emotional.” Wika ko.

“No, no… it’s okay, hush… hush…” Sagot nito.

“Mom, bakit ganoon?” Tanong ko.

Pinakawalan niya ako sa pagkakayakap at humarapa sa akin.

Oh! My Bodyguard (MARS Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon