Chapter 29 (Love Is Kind)

515 10 9
                                    

 

 

(MEL’s POV)

May pasok na sa school at narito kami ngayon sa loob ng classroom, pero wala paring Ernetso. Kanina pang nakaabang ang mga mata ko sa pintuan ng classroom. Nagbabakasakaling dumating si Ernesto, kahit ang sakit-sakit isiping kasama niya ngayong ang Mensy na yun.

Kahit pa sinabi ni Lily kagabi na kaibigan at kaklase daw nito si Ernesto dati ay alam kong may-nakaraan ang dalawa.

Para saan pa ang narinig ko…

“Sorry, if I left you. My dad told me to left you, because of your dad. Lulong noon ang papa mo sa bisyo, at muntik nang mabankrupt, dahil doon ay pianalayo niya ako sayo, sorry. I didn’t mean to hurt you, sorry.”

 

Hindi ako tanga para hindi agad malamang may nakaraan sila.

Bakit ganoon, ang sama-sama naman ni Ernesto, umalis na nga ito ng walang sabi-sabi, tapos hindi pa ito umuwi, ni text, wala, tapos ngayon hindi parin siya magpapaktia! GRRR!!!

Naramdaman kong naluha na namana ko.

“Tsk! Tsk! Tsk!”

 

Napatingin ako sa mga nasalikod ko. Ang MARS. Naka pamewang at naka-cross arms sa akin.

“Bakit?” Tanong ko sabay punas sa luhang nasa pisngi ko.

“Anong bakit, ha! Look at you, para kang natalo sa laban ah!” Wika ni Joni.

“Natalo nga ako, hindi pa nga ako lumalaban, talon a gad.” Wika ko at yumuko.

“Ow… parang may laman yung sinasabi niya, b**ch!” Wika ni Janeth.


Naupo ang mga ito sa tabi ko. Yung mga itsura nila parang nag-aabang nga storytelling.

“Ano? Nga-nganga ka lang d’yan. Magkewnto ka na! Halos isang linggo rin tayong hindi nagkita-kita.” Wika naman ni Shyley.

Nakaingin lang sila sa akin.

Give up! Baka MARS ‘yan, wala akong palag.

At ayun na nga kinuwento ko sa kanila ang nangyari nung nasa park, ang nadapa part, tapos yung Mensy part, at yung matanda sa tabi ng fish pond at ang tuwing pagkawala ni Ernesto, at lastly ay ang pagbabantay ni Ernesto sa ospital.

“Ay grabe! Grabe na! Kung ako sayo, pupunta ako sa ospital na ‘yan” Gigil na gigil na wika ni Janeth.

“Tama, Wow ah, ano ‘to! Kailan pa naging martir? Ano ites!?” Wika naman ni Joni.

Hindi ko sila sinagot.

“Hoy! Melody, kailan ka pa naging ganito? Martir,  walang kibo, umiiyak, nakatulala dahil lang sa isang lalaki! Iba ata ang Melody na kasama natin, MARS. Kasi yung Melody na kilala namin yung pagpagmamay-ari niya, ipaglalaban niya, kahit pa sabunutan!” Wika ni Demi at tumayo pa ito at kinuha ang atensyon ng lahat. “Yung Melody na kilala namin, yung palaban! Yung aagawin yung gusto niya! Di ba ‘yon ang Melody na kilala niyo! Matapang!” Wika nito, at nagsi-Oo naman ang mga classmates niya.

Oh! My Bodyguard (MARS Series #3)Where stories live. Discover now