Chapter 8 (Plan A)

689 16 2
                                    

(MEL’s POV)

Andito ako ngayon sa studio ako kasama ang PARS, syempre di paiiwan ang Greek God Bodyguard ko. Oo, pinagpapantasyahan ko siya, syempre SECRET lang noh!

“So, what can you say, Ms. Manager?” Tanong ni Jomar. Tapos na pala silang tumugtog hindi ko namalayan.

Kanina ko pa kasing iniisip kung anong gagawin para matigil ang Battle of the Bands na ‘yun. Sasabog na ang beautiful brain ko sa kakaisip ah! It’s kinda irritating na!

“Maganda! Very Good!” Sagot ko sabay tayo at bigay ng slow clap. Actually maganda naman talaga ang tugtog nila. Nagustuhan ko talaga, pero hindi ko alam kung anong song ‘yon eh, Rock na PUNK! Basta maganda.

“Eh, parang hindi naman convincing yung sagot mo eh. Alam mo ba yung title ng song na’yon?” Paghahamon ni Leo sa kanya.

“Nagustuhan ko talaga, pero… hindi ko alam yung title ng song.” Sagot ko rito sabay upo sa upuan ko katabi ni Ernesto sa harapan ng PARS.

“Hindi ka nakikinig… Sinabi kaya naming kanina yung title ng song bago kami tumugtog.” Sabat naman ni Alvine.

Epic fail…

Napangiti na lang ako ng tipid sabay lingon kay Ernesto. Nahalata kong nag-iwas siya ng tingin.

“Eh, ano bang title ng song na yun?” Tanong ko sa kanila.

“Ni-request samin yun ni.. E..E—Ernesto! Dapat alam mo kasi---hghdmhfgf” Wika ni Paul na pinigilan ni Leo sa pagsara sa bibig nito.

What’s happening?

Nilingon ko si Ernesto, pero tahimik lang ito at walang kibo. Ang tahimik naman nito.

“Ano ulet?” Tanong ko.

“Wala sabi namin, ni-request yun ni Ernesto kasi favorite song niya yun!” Sagot ni Jomar.

“Tama! Favorite niya yun, yung kanta ng My Chemical Romance na Helena.” Sabi naman ni Joed habang naka upo.

“Ah… Kilala ko ang My Chemical Romance pero hindi ko alam yung song na ‘yan.” Sagot ko. “Hey, Ernesto, favorite mo pala yun ah!” Kantyaw ko naman kay Ernesto.

“Nagkaka-favorite din naman ako, Ma’am.” Sagot nito sabay kamot sa ulo.

Gosh, ang cute niya… Simpleng pagkamot lang yun ng ulo ah.

Nakita ko ang biceps niya. TApos ang killer smile niya. Gosh! I’m in Lo—

“Hoy!” Sigaw ni Joed.

“ANO!!” Sigaw ko. Hindi diya patanong, pasigaw!

“Makatingin ka kay Ernesto parang lalamunin mo ng buhay. Landi-landi agad!” Banat ni joed sa kanya.

My gosh, hindi ko akalaing sasabihin ni Joed yun. Pahiya me ah! My gosh, Mel… need ng back up.

“Porket nakatingin kay Ernesto, landi-landi agad! Hindi pwedeng nag-uusap lang kami. Pake mo ba!” Sagot ko sabay bato rito ng pouch na nasa tabi ko.

“Hey, akin ‘yan!” Sigaw naman ni Paul. “Lagayan ko ng mga guitar pick ko ‘yan. Baka mawala na naman ‘yung kay Joni d’yan.” Patuloy nito.

“Huh?” Nagulat ako sa mga lumabas sa bibig ni Paul. “Baka mawala NA NAMAN ‘yung kay Joni d’yan”. What does it means?

Oh! My Bodyguard (MARS Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon