Tunay Na Pangyayari

1.1K 14 6
                                    

Si Nana ang nagmamaneho ng jeep nila.. Kasama niya ang kanyang pamilya..

Napansin niya ang itim na usok.. Sa paglingon niya.. Isang babaeng duguan ang mukha ang nakita niya.. Unti-unti itong lumalapit sa kanya..

"Natupad ko na ang hiling mo. Kukunin ko na ang kapalit." nakapangingilabot na sabi ng babae.. Nilukuban siya nito..

Isang nanlilisik na tingin ang nakita ng kanyang ama sa kanyang mga mata..

Ibinangga niya ang jeep sa malaking puno..

================================================================

Nakita ni Allan ang itim na usok sa kusina.. Nakita niya ng magbago ang anyo nito bilang isang babae na may duguang mukha..

Unti-unti itong lumapit sa kanya..

"Natupad ko na ang hiling mo. Kukunin ko na ang kapalit." nakapangingilabot na sabi ng babae at siya'y nilukuban.. 

Nanlilisik ang mga matang nilapitan niya ang kanyang kapatid...

Kumuha siya ng patalim at pinagsasaksak ang kapatid..

Pagkatapos niyon at pinasabog niya ang gasul..

==============================================================

Napansin ni Mia ang itim na usok sa likod ni Mico.. 

Kitang-kita niya kung paano ito nag-anyong babae na duguang ang mukha..

Unti-unti itong lumapit sa kanya..

"Natupad ko na ang hiling mo. Kukunin ko na ang kapalit." nakapangingilabot na sabi ng babae..  at tuluyan siyang nilukuban..

Bigla na lamang nanlisik ang kanyang mga mata..

Hinila niya si Mico palabas ng bahay..

Itinulak niya ito ng may parating na sasakyan..

A/N: okay sa all right po ba? salamat po.. ^_^

Be Careful What You Wish For (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon