Lihim

1.1K 13 10
                                    

June 7, 1988

 

 

"Mama. tama na po. Masakit na po." pagmamakaawa ng labinlimang taong gulang na si Krista sa kanyang ina na si Kristell..

 

 

"Anong tama na? Titigil ako kung kailan ko gusto. Walanghiya kang bata ka." patuloy sa pang-gugulpi ang ina ni Krista..

 

 

"Mama. Aray. Sorry na po." umiiyak na pagmamakaawa ni Krista.. Hinahambalos siya ng ina ng dos por dos sa kung saan-saan parte ng katawan.. Duguan na ang kanyang mukha at katawan..

 

 

"Iniwan ako ni Delfin dahil sa'yo. Hayop ka." tukoy nito sa kanyang amain na si Delfin.. Nagsumbong kasi siya sa amain na may kalaguyo ang kanyang ina..

 

 

"Mama. Mama. Tama na po." patuloy sa pag-iyak si Krista..

 

 

"Magtatanda ka na sigurong babae ka." nanggagalaiti pa ring hinataw ng hinataw ni Kristell ang anak..

 

 

"Mama. Tama na po." pinipilit iwasan ni Krista ang hampas ng ina..

 

 

"Magtigil ka." hinampas na muli ni Kristell ang anak.. Nawalan na ng malay si Krista.. "Hoy! Tumayo ka dyan." sinipa pa ang anak. Pinulsuhan niya ito..

 

 

"Diyos ko!" nahintakutang sabi ni Kristell.. "Napatay ko ang anak ko."

 

 

Dali-dali lumabas ng bahay si Kristell.. Dala ang pala, naghukay siya ng malalim sa may simbahan.. Pagkatapos ay bumalik sa bahay, bitbit ang bangkay ng anak.. Inihulog niya ito sa hukay at muling tinabunan..

 

 

Umalis si Kristell at nangibang-bayan.. Hindi na muling bumalik sa pinangyarihan..Walang nakakita sa nangyari kaya inakala ng lahat na lumipat na ng tirahan ang mag-ina..

A/N: okay ba? salamat po.. ^_^ bahala na po kayo humusga.. ^_^

Be Careful What You Wish For (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon