Ikatlong Hiling

1.4K 19 7
                                    

May 31, 2011



"Bakit ganoon, Chris?" sabi ni Mia sa kaibigan..



"Mia, tama na. Tahan na." alo ni Chris kay Mia..

"Ang sakit, Chris. Ang sakit-sakit." umiiyak na sabi ni Mia..

"Tahan na." pilit na pinatatahan ni Chris si Mia.. Ipinagpalit kasi siya ng boyfriend niya sa iba..

"Paano nagawa sa akin ni Mico yun?" tukoy niya sa boyfriend niya..

"Kalimutan mo na lang siya." sabi ni Chris, habang hinihimas ang likod ni Mia..

"Mahal na mahal ko siya. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Tapos ipagpapalit lang pala niya ako." patuloy sa pag-iyak na sabi ni Mia..

"Hindi siya karapat-dapat sa'yo, Mia. Kalimutan mo na siya." sabi ni Chris..

"Samahan mo ako sa balon." biglang sabi ni Mia.. Pinupunasan niya ang pisngi na basa ng luha..

"Ha? Ano naman ang gagawin natin dun?" takang tanong ni Chris..

"Basta. Samahan mo lang ako." hinila na ni Mia si Chris..

===============================================================

Nang makatrating sila sa balon, sila pa lang ang naroroon..

"Wag mong sabihin na hihiling ka?" tanong ni Chris kay Mia..

"Masama ba?" balik na tanong ni Mia..

"Ano naman ang hihilingin mo?" tanong pa rin ni Chris..

"Sobra kong mahal si Mico. Gagawin ko ang lahat. Maibalik lang siya sa akin." sani ni Mia..

"Mia.." tangging nasabi ni Chris.. Wala siyang magawa sa gusto ng kaibigan..

Lumapit si Mia sa balon. Kumaha ng barya sa bag..

Pumikit bago humiling..

"Sana maging sa akin na ulit si Mico. Sana ako na ulit ang mahal niya." bulong ni Mia at inihagis ang baray sa balon..

============================================================

Ang hindi alam nina Mia, Allan at Nana, na ang hiling nila ay may kapalit..

Sa bawat hiling.. Buhay ay kapalit..

Sa sabay-sabay na pagbagsak ng kanilang barya sa balon..

Hindi nila namalayan ang isang maitim na usok na lumabas mula sa balon..

Nilukuban sila ng maitim na usok..

A/N: Salamat sa magbabasa.. Sa mag-vote at ,mag-comment.. Bahala na po kayo.. ^_^

Be Careful What You Wish For (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon