Unang Kasawian

1.3K 19 6
                                    

June 7, 2011

6:00pm

"Papa, halika na. I-try na natin yung jeep." tawag ni Nana sa Papa niya..

Eksaktong isang linggo ng makatanggap ang pamilya ni Nana ng sulat.. Sinasabi sa sulat na nanalo sila sa raffle ng isang pampasaherong jeep.. Kaya eto, susubukan nila ang jeep..

"Sandali lang, anak." sagot ng kanyang Papa..

"Pa, dali na. Paakay na sina Mama."natutuwang sabi ni Nana..

"Ang ganda noh, Mama?" tanong ni Nana sa kanyang Mama.. 

"Oo nga." sagot ng kanyang Mama..

Sinilip ni Nana ang loob jeep, ngunit natigilan siya sa kanyang nakita.. Isang maitim na usok ang nagpapaikut-ikot sa loob ng jeep..

Ikinurap niya ang kanyang mga mata at muling tiningnan ang loob ng jeep.. Wala na ang itim na usok.. Marahil ay namalik-mata lang siya..

"Te, halika na. Ikaw muna ang mag-drive." sabi ng kanyang kapatid..

"Ha?"nagulat na sabi ni Nana.. "Oh, sige. Sakay na." pagkasabi niyon ay sumakay na sila sa jeep.. Siya ang nasa manibela.. Pinaandar na niya iyon..

Nagkakantahan ang pamilya ni Nana habang sakay sila sa jeep.. Nang mapatingin si Nana sa rear view mirror, muli niyang napasin ang itim na usok.. Paglingon niya, hindi ang itim na usok ang nakita niya.. Kundi isang duguang mukha ng babae.. Nakatingin ito sa kanya at ang lapit-lapit nito sa kanya..

"Aaaaahhhhhhh." napasigaw si Nana.. 

Sa pag-iwas ng tingin ni Nana sa babae, hindi niya namalayan na pakurba na ang daang tinatahak nila.. Bumangga sila sa isang malaking puno.. Wasak na wasak ang kanilang jeep.. Nawalan ng malay si Nana..

Naalimpungatan si Nana.. Tila kasi may nagkakagulo sa paligid niya.. Inilibot niya ang kanyang tingin.. Nakita niya ang maraming tao at may mga pulis at medic.. Ngunit sa paglingon niya sa kanyang unahan.. Muli niyang nakita ang babae..

"Aaaaaahhhhhh." muli siyang napasigaw..

A/N: parang hindi naman nakakatakot.. wahaha.. bahala na po kayo.. salamat po.. ^_^

Be Careful What You Wish For (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon