Chapter 1

1.9K 28 5
                                    

May 11, 2012

"Amy!" tawag ni Claire sa kaibigang si Amy.. Lakad-takbo siyang lumapit sa kaibigan.. "Sabay na tayo umuwi." sabi ni Claire.. "Hindi ka masusundo ng Tatay Rommel di ba?" tanong ni Claire na ang tinutukoy ang ang ama ni Amy na nagtatrabaho sa construction site..

"Oo eh." sagot ni Amy.. "Madami daw kasi silang trabaho ngayon sa site. Kaya ayun. Uuwi ako mag-isa."

"Sabay ka na sa akin." aya ni Claire kay Amy.. "Susunduin ako ni Tatay eh. Pupuntahan ko nga lang siya sa paradahan." sabi ni Claire..

"Mabuti pa nga. Magkapit-bahay lang naman tayo eh." nakangiting sabi ni Amy.. Sabay na naglakad ang sina Claire at Amy patungo sa Tatay ni Claire..

Namamasada ng jeep ang Tatay ni Claire.. Hindi kanila ang jeep na pinapasada ng Tatay niya kaya naman kahati nila sa kita ang may ari ng jeep.. Ang nanay naman ni Claire ang labandera.. Mahirap lamang ang pamilya nilang magkaibigan, kaya naman nagsisikap silang makatapos ng pag-aaral  para makatulong sa magulang..

Pawang nasa huling taon na ng highschool sina Claire at Amy.. Kaya naman natutuwa ang mga magulang nila dahil magtatapos na ang mga anak nila.. Pangarap ni Claire na magkaroon ang Tatay niya ng sariling jeep.. Para naman solo nila ang kita sa pasada.. Dahil tatlo pa silang magkakapatid na nag-aaral..

"Ayun si Tatay." turo ni Claire sa ama ng makita ito.. Nang makalapit ang dalawa ay parehas silang nagmano.. "Oh, Tay? Mapupuno na po ang jeep?" tanong ni Claire sa ama..

"Oo, ikaw na nga lang inaantay ko para makauwi na tayo." sabi ng ama ni Claire na si Arnulfo.. "Sumakay na kayo." Sumakay na sina Claire sa unahan katabi ang ama..

Habang biyahe.. Narinig ng dalawa ang usapan ng 2 pasahero sa likod.. "Oi, Ding. Inayos na daw pala yung balon sa likod ng simbahan ah." sabi ng isang pasaherong babae sa kasama nito..

"Oo nga,  Cris. Hindi nga daw basta balon yun eh. Pwede ka din daw humiling dun." sagot naman ng isang babae na tinawag sa pangalan na Ding..

Nagkatinginan naman sina Claire at Amy sa narinig.. At muling nakinig sa usapan ng dalawang babae..

"Oo. Sabi pa nga. Kapag daw humiling ka sa balon na yun. Matutupad daw. Kahit ano daw ang hilingin mo. Kahit yung mga imposibleng bagay pa." sabi nang naunang nagsalitang babae na Cris ang pangalan..

"Yung nga din ang sabi ng ilan eh. Pero wala pa namang akong naririnig na may humiling dun at natupad." sabi nung Ding..

"Ahm, excuse me." singit ni Claire sa usapan ng dalawa.. "Totoo po ba yung tungkol sa balon?" tanong ni Claire..

"Ewan ko lang."  kibit-balikat ni Ding.. "Wala pa naman kasi akong naririnig na natupad ang hiling."

"Ano ka ba naman, Ding?" sabi ni Cris.. "Hindi mo ba nabalitaan?" tanong ni Cris..

"Nabalitaan ang alin?" takang tanong ni Ding.. Nakikinig lamang sina Claire at Amy..

"Humiling daw doon sa balon yung anak ni Aling Mering. Nung bagong kaayos lang daw nung balon. Nagpunta daw si Tacing doon. Naghulog daw siya ng barya at humiling sa balon. Mga isang linggo pa lang daw ang nakakalipas. Natupad daw yung hiniling ni Tacing." kwento ni Cris na ang tinutukoy ay ang mag-inang nagtatrbaho sa isang pabrika ng de lata..

Be Careful What You Wish For (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon