Ikalawang Kasawian

1.2K 16 8
                                    

June 7, 2011

6:00pm

"Wooohooo." tuwang-tuwang sigaw ni Allan habang papasok ng kanilang bahay..

"Kuya, bakit ang saya-saya mo ata?" tanong ng kanyang kapatid..

"Anna, nanalo tayo sa lotto." sabi niya.. Isinayaw -sayaw pa niya ang kapatid..

"Talaga? Magkano?" tanong ni Anna..

"Oo.. P500,000.00" sabi ni Allan.. "Totoo ang balon, Anna."

"Wow, ang galing talaga ng kuya ko." bilib na sabi ni Anna sa kapatid..

"Makakabili na tayo ng mga gusto natin." sabi ni Allan..

"Oo nga, Kuya." 

Matapos ang tagpong iyon.. Nasa kusina si Anna at nagluluto ng hapunan nila.. Pinuntahan ni Allan ang kapatid..Napansin niya ang itim na usok na pa-ikut-ikot sa kusina.. Binalewala niya ito sa pag-aakalang galing lamang ito sa niluluto ng kapatid..

Nagtungo siya sa banyo upang umihi.. Paglabas niya, laking gulat niya sa nakita.. Isang babaeng duguan ang mukha ang nasa likuran ng kanyang kapatid.. May hawak itong patalim..

"Annaaaaa." sigaw niya ng makita niyang pinagsasaksak ng babae ang kanyang kapatid.. Hindi siya makalapit sa kapatid.. Pagkatapos ay lumapit ang babae sa gasul.. Pinasingaw ito at sinindihan.. Sumabog ang gasul.. Sunog na sunog ang buong bahay nila,,

Nagising si Allan na buhat-buhat siya sa stretcher ng mga medic.. Nang mapatingin siya sa gawing paa niya.. Muli niyang nakita ang babae..

"Aaaaaahhhhhh." sigaw niya..

A/N: waaaahhhhh.. okay ba? salamat po.. ^_^

Be Careful What You Wish For (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon